Chapter 9 - Torture and Drunk

174K 3K 190
                                    

Chapter 9 – Torture and Drunk

“Dalawang linggo na, ganyan pa rin ang itsura mo, Nique, sigurado okay ka lang?” tanong ni Mariz kay Monique nang matamlay na naman itong dumating sa trabaho. Hindi na lang niya sinagot ang tanong ng kaibigan at umupo na sa cubicle niya. 

Two weeks without Nick was like hell. Ewan ba niya, natatawa siya sa sarili niya. Noong una, tinataboy niya ito, pinagsasalitaan ng mga kung anu-anong masasakit na kumbaga gustong-gusto na talaga niya itong mawala sa buhay niya. Pero heto siya ngayon, nagsisisi kung bakit ganun ang inasal niya. Inabuso niya ang pagiging mabait ni Nick sa kanya. 

It was like a torture. Yung hindi na umuuwi si Nick sa bahay nila, yung siya lang mag-isa. Yung mga nakasulat sa mga tabloids, magazines kung saan nagcluclub at nambababae ito. Yung gabi-gabi siyang umiiyak at umaasang babalik pa ito sa kanya. Pero parang malabong hindi na. 

Ginago mo kasi siya. Yes, she had to admit that but she was afraid. Takot na siyang masaktan na naman. She can’t risk her heart to be broken again. Nahirapan siyang tipunin ang mga piraso dahil sa nangyari sa buhay niya. Ang dalawang lalakeng sinaktan siya ng lubusan. Ang dalawang lalakeng pinagkatiwalaan niya. Ang daddy niya, si Renzo.

Pero Monique, iba si Nick. He endured your endless and ruthless charade for three years. Tatlong taon niyang tiniis ang mga panggagago mo sa kanya pero naging mabait pa rin siya sayo, he was still forgiving. 

Totoo, tatlong taon siyang minahal nito ng lubusan pero sinayang niya lang. Tapos ngayon, kung saan napagod na ito at gusto na rin nitong maging masaya para sa sarili, hahabulin na niya ito?

He’s important to me. Saad niya sa sarili. Natatakot siya na baka bukas o sa susunod na araw, nasa sala na ng bahay ang lawyer nito, nagpapapirma ng mga annulment papers. 

Sana naman hindi. Sana pakinggan siya nito, sana patawarin siya nito sa mga nagawa niya. She already regretted it. Siguro nga, nasa huli ang pagsisisi. 

“Monique, pupunta kami mamaya sa club, birthday ni Cherry, sama ka? Para naman medyo gumaan yang pakiramdam mo.” Sabi sa kanya ni Mariz na nasa likod lang niya. 

Nilingon niya ito at tumango siya. ”Sige, sama ako.” Maybe she needed to relax a little. Masyado na siyang nastrestress sa sitwasyon nila ni Nick. 

---

“Nick, man, dating gawi? Mamaya, club tayo.” Sabi ni Kurt sa kabilang linya kay Nick habang siya naman ay busing-busy sa pagtatype ng mga files na ibibigay niya sa mga board members mamaya sa opisina. Well, he was already used it. Kapag may mga bagay na dapat matapos sa araw na yun, kahit overtime, ginagawa niya. And yes, especially kapag nafrufrustrate na siya sa sitwasyon nila ni Monique, sinusubsob niya ang sarili niya sa trabaho.

But this time is different, you’re not with her now, Nick.

“Yeah, sure. Malelate lang ako ng konti, may tinatype pa kasi ako. Sige.” Inend call niya ito saka nagconcentrate ulit sa ginagawa niya. 

Dalawang linggo na siyang hindi umuuwi sa bahay nila ni Monique, pagkatapos kasi nilang magparty ni Kurt, direcho agad siya sa pad niya. Doon na siya natutulog. 

Kamusta na kaya siya? Is she happy because I’m leaving her alone? He shrugged it off. Bakit ba niya iniisip iyon? E alam naman niya na kahit anong gawin niya para sa asawa niya, gusto pa rin nitong mawala siya sa buhay nito. Monique wanted him to disappear, so he’s here, doing it. 

Wala na siyang nasagap na kahit anong balita rito. Well, aminado siyang tinatawagan siya nito at tinetext, pero hindi niya sinasagot o nirereplyan. He doesn’t know. He just thought that maybe it’s the time to go on in their separate ways. 

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon