Chapter 2 - Wrong Move

190K 3.1K 89
                                    

Chapter 2 - Wrong Move

 

"Shit. My head.." napahawak na lang si Monique sa noo niya nang magising siya. Iyon na yata ang resulta ng paglalasing niya kagabi dahil sa frustration niya sa buhay niya.

Bumangon na siya mula sa pagkakahiga niya sa kama at saka tumayo. Maliligo na lang siya para medyo mabawasan ang sakit ng ulo niya.

"Huh?" napakunot-noo siya nang may napansin siyang sticky note sa table na nasa gilid ng kama niya saka isang paracetamol. Kinuha niya ang note at binasa.

May trabaho kasi ako ngayon kaya hindi muna kita maalagaan.

Don't worry, I bought you a paracetemol for your hangover.

Nagluto na rin ako. Take care. :) --N

 

Oo nga pala, may trabaho pa rin ito tuwing sabado. CEO kasi si Nick ng isang malaking finance corporation, owner of many prominent banks in the Philippines. Bigla naman niyang naalala ang nangyari sa kanila kagabi.

"Stop it, Monique. I'm trying to be calm. Just please don't curse me here." Mahinahong sabi nito sa kanya.

"Fuck you! I hate you! Wala kang kwenta! At kahit kailan hindi kita mamahalin!" She couldn't stop herself from cursing anymore, maybe it was because she was too drunk.

"Damn it, Monique! Why are you like that?! Ginawa ko naman lahat ng gusto mo! Ginawa ko lahat--" bago pa man matapos si Nick ay sinukaan na niya ito.

 

Napahawak na naman siya sa ulo niya. Sinukaan niya pala ito. Wala na siyang ibang maalala bukod sa nagising na lang siya sa kama niya na masakit ang ulo.

Napatingin naman siya sa wall clock ng kwarto niya, 11:30am. Napatingin din siya sa suot niyang damit. Nakapambahay na siya. At talagang binihisan pa siya ng mokong. 

Kung ganun pala, hindi ito natulog magmula 'nung umuwi sila sa bahay. Naghintay ito sa kanya buong gabi hanggang sa pinuntahan siya nito sa club at inuwi. Pagod na pagod pala ito dahil sa kanya tapos nagtratrabaho pa rin ito.

"Hindi talaga nag-iisip." napailing na lang siya saka pumasok sa banyo para magshower.

---

Nang makababa na si Monique mula sa kwarto niya ay mabilis niyang tinungo ang dining room.

"Oh my god.." react niya nang maamoy ang pagkain na nasa table. Kaagad niyang kinuha ang takip ng tupperware na nilalagyan nito. "Oh my god! My favorite." masayang sabi niya nang makita ang pagkaing niluto ni Nick, ang afritada. Talagang nilutuan pa siya nito ng paborito niya.

Hindi niya maiwasang mapangiti.

---

"Damn. Jen?" Napasapo na lang sa noo si Nick habang binabasa ang mga papeles na ibinigay sa kanya ni Jen. Parang sumakit kasi ang buong katawan niya nang dumating siya rito sa opisina niya tapos bubungaran kaagad siya ng secretary niya ng mga papeles na pinapirmahan ng mga kliyente nila.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon