Chapter 13 - Their Pasts

161K 2.5K 158
                                    

Chapter 13 – Their Pasts

 

 

“I’m glad na nakarating kayo rito sa family gathering, Greg.” Bati ng Dad ni Nick na si William kay Greg Valdez na isang department head ng Torres Corporation. Nag-organize kasi ng isang family gathering ang Torres Corporation para sa mga empleyado at trabahante nito.

 

“By the way, this is my son, Nicholas Troy Torres.” Pagpapakilala sa kanya ni William and then Nick stepped forward, offering a hand to Mr. Valdez.

 

“Nice to meet you, Mr. Valdez.” Sabi niya.

 

“So, ito na pala ang future CEO ng Torres Corp?” Greg asked.

 

William nodded proudly. “Oo. He got all the qualities. Graduated Magna Cum Laude sa kursong Accountancy and even a topnotcher sa board exam. Ngayon, nagmamasteral na in such a young age.” Pagmamayabang ng Dad ni Nick dito. He felt awkward with his father proud remarks about him.

 

“Incredible. Alam kong mas mapapalago pa nito ang Torres Corporation.” Namamangha sabi sa kanya ni Greg.

 

“Dad..” Napahinto naman silang tatlo nang may lumapit sa kanilang isang babae—specifically kay Greg Valdez. Halata sa itsura nito na nasa early twenties pa ang edad nito.

 

Lumingon naman dito si Greg, “Ikaw pala anak,William,Nicholas, this is my only daughter and child, Monique Valdez.” Pagpapakilala nito sa babae.

 

Monique Valdez smiled at them and offered him a hand.”Good evening po sa inyo.” She politely said.

 

Nick shook her hand. “Nice to meet you.” Then Monique just nodded.

 

“Dad, sasamahan ko muna si Mama doon, I’ll go.” Sabi nito kay Greg at iniwan na silang tatlo.

 

“You have a very beautiful daughter, Greg.” Komento ni William.

 

“Of course. Saan ba nagmana? Hahaha!” nagkatawanan na ang dalawa.

 

Nick couldn’t stop his eyes from looking at her. Unang kita palang niya kay Monique, he knew, he was already attracted to her. Parang may kakaiba kasi rito. He found her gestures captivating.

 

---

“Hey, gising ka na pala.” Bati ni Monique kay Nick nang gumising na ito at pumunta sa kusina.

Kumunot naman ang noo ni Nick nang makita ito na nagluluto. Kakagising lang kasi niya at aminado siyang lagpas 8:30am na. Late na siya sa trabaho. Matagal kasi siyang nagising dahil sa pagod at puyat niya. “Why are you still here? May trabaho ka pa, diba? Late ka na.” sabi ni Nick sa asawa.

Pinatay na nito ang stove at nilingon siya. “Uhm, nilutuan kita. Alam ko kasing hindi pa masyadong maganda pakiramdam mo.” She replied shyly.

Napangiti si Nick sa sinabi nito. Pagkatapos ay nilapitan niya ito at niyakap. “Don’t complain. Morning hug.” He said, smiling.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon