Chapter 22 - Feelings

137K 2.1K 112
                                    


Chapter 22 – Feelings

 

 

“Babe.” Kaagad namang nilapitan ni Nick ang asawa niya nang makita itong nakaupo sa kama na may hawak na perfume at umiiyak. Katatapos lang kasi niya maligo kaya naman hindi pa siya nakapagbihis at nakatapis lang siya ng tuwalya sa may bewang niya. There are still water droplets all over his body from the shower.

“Why are you crying? M-may problema ba?” he asked her worriedly, tinabihan niya ito.

“Yung perfume..” she started while still sobbing.

Napatingin naman si Nick sa hawak nitong perfume, “W-Why? Anong meron sa perfume?”

Mas lalo pa itong umiyak, “Babe.. ubos na.. Ubos na ang perfume na bigay ni Mariz sa kin..” emosyonal na sabi nito sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang si Nick. She was hysterically crying again over small things. Pansin niya, nagiging emosyonal ang asawa niya ngayon sa mga bagay-bagay.  Naging oversensitive ito.

Kagabi nga, nagpabili ito ng siopao. He was about to say ‘no’ pero ginamit na naman nito ang linyang ‘a happy wife means a happy life’ tapos kapag hindi raw siya bibili, lalayasan siya nito. Pinagsabihan na nga rin niya ito tungkol sa kakakain nito ng marami pero iiyakan na naman siya.

“Baby, marami namang perfume diyan. Marami ka rin namang perfume, diba? And if you want a new one, we’ll buy. So, don’t cry now, okay?” he assured her while wiping off the tears from his wife’s eyes. He tried his voice to be gentle para tumahan na ito.

Tumigil naman ito, “P-pero.. kay Mariz ‘to galing..“ sumisinghot-singhot pa ito.

He inhaled deeply. “Baby, it’s okay. May kapareho naman siguro ang perfume mo sa mga stores, I’ll buy you one, okay?” Sometimes, he really wanted to be frank pero baka magalit lang ito sa kanya. 

“But.. Mariz.. siya ang nagbigay sa kin nito..”

“Monique.” His voice became serious. Ni hindi pa nga siya nakapagbihis dahil dito, nakatuwalya pa rin siya and was still half-naked. “Bibilhan kita ng bagong perfume na gaya niyan. Kaya tahan na.”

Umiyak na naman ito. “B-bakit mo ko inaaway? Perfume lang naman ah.. Inaaway mo na ako..” sumbat nito sa kanya as tears continuously flowing from her eyes.

Kumunot naman ang noo ni Nick, “What? Hindi kita inaaway!” he defended.

“Eh ano? Yung boses mo.. nakasigaw ka.. inaaway mo ko..” mas lalo pa itong umiyak.

Nick sighed at niyakap na lang ito. Naramdaman din naman niya ang pagyakap nito pabalik sa kanya, “Babe, hindi kita inaaway. Pinagsasabihan lang kita na everything will be alright. Don’t worry, bibilhan kita ng bagong perfume, okay? Bagong perfume na mas mabango pa diyan. Kaya, hush now.” He gently said while rubbing her back.

“Okay.. Promise ha..” tumahan na rin ito habang nakasubsob pa rin ang mukha nito sa dibdib niya.

“Yes, promise.” He replied then there was silence.

“Baby?”

“Yes?”

“Uhm.. ang baho mo pa rin.. naligo ka na ba talaga?”

---

“Fuck..” Napaupo mula sa kama si Neil nang biglang tumunog ang alarm clock niya na nasa table ng gilid ng kama at i-noff iyon. Napasapo siya sa noo niya. Shit. Ang sakit ng ulo niya. Iyon na yata ang resulta dahil sa paglalasing niya kagabi sa opisina.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon