Chapter 37 - The Eyes of Love

121K 2.3K 292
                                    


PLAY the video on the right side, titled “Hero by Enrique Inglesias instrumental version” for background music.

Chapter 37 – The Eyes of Love


“Sorry kung nalate ako, medyo traffic kasi ngayon.” Sabi ni Daisy kay Monique nang dumating na siya sa restaurant kung saan ito makikipagkita. Umupo kaagad siya sa table kung saan ito nagpareserve kaharap ang anak.

Tinawagan kasi siya ni Monique dahil mag-uusap daw silang dalawa kaya namang walang pagdadalawang-isip na umoo siya sa sinabi nito. It has been years since hindi sila nagkita. Magmula kasi ‘nung mangyari ang lahat ng iyon sa kanila, Monique became distant to them. Hindi na sila nito kinakausap ni Gia.

Pero ngayon, tinawagan siya nito para mag-usap silang dalawa.

Monique just stayed civil. “It’s okay. Hindi rin naman ako ganun katagal naghintay dito.” She replied dryly.

Ningitian na lang ni Daisy ito kahit aminado siyang medyo malamig pa rin ang pakkitungo nito sa kanya. “K-Kamusta ka?” she asked her instead. Nakakaramdam na rin siya ng kaba habang kaharap ito.

Huminga ng malalim si Monique bago siya nagsalita na parang naiiyak pa, “Galit ako sayo. Galit ako sa inyo. Sa ginawa niyo sa kin ni Mommy, sa ginawa niyo sa kin ni Dad..” nagsimula na ngang pumatak ang mga luha niya habang sinusumbatan ito.

“Galit ako sa inyo kasi pamilya ko kayo pero parehas niyo kong niloko.. Sobra akong nasaktan dahil sa ginawa niyong lahat sa kin..” she cried. Oo, dahil sa panglolokong ginawa ng mga ito sa kanya, natabunan ng poot at galit ang puso niya. Nawalan siya ng pag-asa sa mga taong nasa paligid niya dahil sa mga ginawa ng mga ito sa kanya.

And she knew, because of that, she became selfish and heartless. May isa siyang taong sinaktan ng lubusan.

Hindi na rin maiwasan ni Daisy na maiyak sa sinabi nito sa kanya, ang sobrang laki ng kasalanan nila kay Monique. “Patawarin mo ko Monique, patawarin mo kami.. I’m so sorry..”

Monique breathed hard as she continued, “Dahil doon, natabunan ng galit ang puso ko. Naging makasarili ako. Isinisi ko sa iba ang mga sakit na naramdaman ko. I became a heartless bitch.” She was still crying as she looked directly into Daisy’s eyes.

“Hindi ko na naisip.. dahil sa pagiging makasarili ko.. dahil iniisip kong ako lang lagi ang nasasaktan at niloloko.. may nasaktan akong isang napakaimportanteng tao sa buhay ko.. Dinurog ko ang buong pagkatao niya.” She added. Ang dapat lang naman sisihin sa mga nangyayari ngayon sa buhay niya ay ang mismong sarili niya. Siya lang naman ang may kagagawan kung bakit nawasak ang pagsasama nila ni Nick. She is all to be blamed. She was self-centered.

“Alam kong hinding-hindi niya ako mapapatawad.. Mahihirapan siyang patawarin ako sa laki ng kasalanan ko.. At hinding-hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko dahil sa ginawa ko sa kanya.. Sobrang nagsisisi ako.. Ang tanga-tanga ko..” mas lalo pa siyang napaiyak dahil sa mga sinabi niya.

Nick did everything for her. Kailanman, hindi siya nito sinaktan pero puro panggagago lang ang isinukli niya sa pagmamahal nitong ibinigay sa kanya. She didn’t appreciate him. She hurt him so much hanggang sa napagod na nga ito ng tuluyan sa kanya. Ang sobrang sama niya. She doesn’t deserve a man like him.

And now, it was too late.

“Pero.. siguro.. kung magpapatawad ako sa inyo.. Siguro kung magpapatawad na ako sa mga lahat ng nangyari sa kin.. sa buong pagkatao ko.. Magiging malaya na ang puso ko. Mawawala na ang galit na matagal ng tinatabunan ang buong pagkatao ko..” she forced a smile and stopped from crying. “Kahit mahirap.. pinapatawad ko na kayo.” She finally said it and for first time of her life, she felt free. Matapos niyang ibigkas ang mga salitang iyon, parang nawalan ng tinik ang puso niya.

The Cold Wife (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon