Forty

10.5K 270 16
                                    

* Gray *

" Bingo! Sinasabi ko na nga ba eh :3 Tabas pa lang ng mukha nitong taong 'to, talagang wala ng gagawing tama. " biglang lumapat ang kamay ni Miko sa braso ni Trey na siya namang ikinatingin nito. Nakaramdam siguro ng ilangan 'yung dalawa ng marealize nilang magkaakbay sila kaya naman halos mabali ang leeg nilang dalawa sa pag-iwas ng tinign sa isa't isa. Napangiti na lang ako ng palihim. Ang aarte :3 Hindi pa naman talagang nakita 'yung suspect kasi nga madilim at hindi masyadong maganda 'yung quality ng video but still, atleast may lead na kami. 

Andito kami ngayon sa Admin Office ng resort na pinuntahan namin nitong nakalipas na ilang linggo. Nacontact kasi ni Jed 'yung manager ng resort at sinabi namin 'yung kailangan namin. Naisip kasi ni Jed na baka nacapture ng isa sa mga CCTV Cameras ng resort 'yung footage ng posibleng taong kumuha ng picture sa amin na siyang nagpakalat sa campus. Almost everywhere naman kasi ay may CCTV ang resort, kaya nagbakasakali talaga kaming baka ito 'yung makakasagot sa mga tanong namin.

Hindi naman kami nabigo. Nasagot lahat ng mga tanong na pumuputakte sa isip ko nitong mga nakaraang gabi. Humingi kami ng copy ng footage sa Manager at agad naman itong nagtungo Audio-Visual office nila para ibigay 'yung hinihiling ko. 

" I knew it. " bulong ko.

" I knew it! " bulalas ko sa kanila. " Bakit hindi ko agad naisip 'yun! Anak ka ng. " 

" Ang alin? " bakas sa mukha nila ang pagtataka. 

" Ganito. Last time, bago ko sabihin kina Dad na may failing grades ako, late akong nakauwi. " pagkukwento ko sa kanila. 

" And then? And then? " pagsingit ni Jam

" And then... ayun nga, nalate akong nakauwi kasi kinausap ako ni Dean na kung pwede niyang makausap 'yung magulang. Nangyari 'yun eh after last period namin which happens to be late na, mga 7:30 PM na kasi naresched. kami dun sa isa naming subjects. So after akong kausapin ni Dean, papunta na sana ako ng lobby. " unti unti kong nafifigure out na siya nga ang may dahilan kung bakit naging ganito kagulo ang sitwasyon. 

" May narinig akong ungol galing sa boy's restroom sa second floor ng Cas. At first, I thought, it was a ghost. " 

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon