Thirty Four

18.3K 374 26
                                    

NOTE: Hi! Naamaze ako sa bilis ng pag-akyat ng reads ng Brothers in Disguise at saka ng votes nito. Walang biro, salamat talaga :) Sana pati 'yung comments ha? Hahaha. Demanding ba? Gusto ko ding ipaalam na mejo hindi maayos 'yung pakiramdam ko while typing this update kaya pagpasensyahan niyo na. Ang dami kasing ideas na nagpopop-up sa isip ko kaya kailangan ko ng isulat. Sana magustuhan niyo pa rin kahit ganoon :) Salamat ^-^

Si Trey sa Multimedia Section :) Comment naman kayo oh :3 Ang hirap guamwa ng isang chapter eh. :/

 

* Reggo *

Dumating ang araw ng sabado, lahat kami busy. Lahat excited. Matapos kasi ang dalawang araw ng pagpupuyat at pagpapakamatay sa pagrereview ng mga nakaraang lessons nitong Midterm, atlast, natapos rin. Although may finals pa, pero hindi muna namin iyon iisipin. Matapos ang exams, napagkasunduan ng barkada na magbonding somewhere na hindi naman ganoon kalayuan. Just a few hours away from the city. Ipinagbigay alam din namin ito sa aming mga magulang at nakakatuwa namang pinayagan nila kaming lahat. 

Sasakyan ni Trey ang gamit namin. Hindi kasi pumayag si Dad na 'yung kotse namin kasi gagamitin daw nila ni Mommy for some details para sa wedding. Marami-rami din naman ang nakasama. Ako, si Gray, Jam and Jed, Trey, Miko and Sarah. This past few days, naging close 'yung barkada ko sa barkada ni Gray since they know what's the real score between us. Thumbs up naman sila. Walang naging problema at wala namang pagbabago at pag-iilangang naganap. Except for one, 'yung kina Trey and Miko. Hanggang ngayon, sa kotse, hindi pa rin sila nag-iimikan. Matagal-tagal na rin namin 'tong napapansin eh. Siguro nung makalawa pa simula nung mapansin namin na malamig 'yung pakikitungo nila sa isa't isa. Hindi naman namin magawang itanong dahil nito lang din naman kami naging kabarkada nilang dalawa. Kinonsulta ko si Gray tungkol dito pero sabi niya, hayaan na lang daw namin 'yung dalawa. Sa kanila daw tatlo, 'yung dalawa daw talaga ang close. Kaya panigurado na maayos din nila ito. And last, hindi namin ineexpect 'yung pagsama ni Sarah, special friend daw ni Miko. Siyempre lahat nagulat. Medyo matagal-tagal ko na ding hindi nababalitaang nagkagirlfriend ito eh. Lahat masaya para kay Miko, maliban kay Trey. Although nakangiti siya pero hindi umaabot sa mata. Hindi ko alam kung anong mayroon sa dalawa, pero that's not my business after all. 

" Woohoo. Beeeaaaaccchhhhbbbuuuuuummmm! " sigaw ni Gray mula sa katabi ko. Ako nama'y napatakip na lamang ng tenga.

" Ano ba! Ang ingay. Parang bata. " reklamo ko naman.

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon