Four

25.3K 717 45
                                    

[ A/N: Mabilis naman akong magg-update diba? Vote naman kayo jan. Hahaha. Salamat. P.S. May pagkakorny 'tong chap na 'to so please forgive me. HAHAHA. Sa mga makakagusto, salamat :*]

~~0~~

* Reggo *

Nakarating kay Tito Hector 'yung nangyari sa amin ni Gray isang araw matapos 'yung paglilinis namin. As usual, naungkat 'yung dahilan kung bakit kami nalate at nalaman ni Tito na tumuloy ang mokong dun sa party kaya ayun, mukhang tambakol ang mukha nitong kasama ko sa kotse. Oo, sa kotse ko siya sumabay... diba nakumpiska 'yung key ng kotse niya? Tsaka gustuhin man niyang magcommute eh wala naman siyang pera. Cut 'yung credit card niya. Kaawa-awang nilalang -.- 

" Hoy. Ngiti naman jan. Mukha ka ng tiyanak na nausog diyan eh. " sabi ko ng pabiro. To lighten up the air. Ang pangit kasi ng ambiance eh -.- Ayoko ng ganito.

" Psh. 'Wag mo nga akong simulan jan. Sinong 'di mababadtrip? No credit card, no car. It's like you've taken away my life. "

" Taken away my life, taken away my life. Drama go! " Isipin mong lumilinya pala siya ng ganun? Nakakatawa. Hahaha.

" F*ck you. " sabay dirty finger niya sa harap ko. " Eto, eto ang ayaw ko sa may kapatid eh. Pakialamero. Maingay. Psh. Ba't pa kasi kayo pumasok sa buhay namin eh. " 

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tama ba 'yung pagkakaintindi ko? Parang kami pa 'yung sinisisi niya sa pagkawala nung mga peste niyang gamit na 'yun? Seriously? Mas importante pa 'yung kotse niyang 'yun kesa sa'kin? teka... ano 'yun, bakit ako. Kesa sa amin? Nagpanting 'yung tenga ko dun sa narinig ko at gustong gusto ko na siyang bulyawan sa harap niya. Akala ko ba ok na kami? Hindi ko pa nga talaga kilala 'tong taong 'to.

Hindi na lang ako umimik buong biyahe, ganun din naman siya. Mabuti naman kasi hindi ko rin naman siya papansinin. Bumababa ako sa kotse ng hindi siya hinihintay. Usually kasi magkasabay kami niyang papasok sa school kasi gusto naming pagtripan 'yung mga fans namin. Diba nga, para kaming DLSU-ADMU, 'yung parang hindi pwedeng maging friends? Pero ngayon... ewan. Nawalan ako ng ganang makaharap tong taong 'to. Narinig ko naman 'yung yabag ng mga paa niya papunta sa akin at akmang ilalagay niya 'yung isa niyang kamay sa balikat ko. Agad kong iniwas 'yung sarili ko dun.

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon