Eleven

22.7K 454 34
                                    

[ A/N: Sorry, mejo natagalan ata 'yung update ko. Thesis ko kasi eh -_- Pag pasensyahan niyo na rin kung hindi maabot ng update na ito 'yung expectations niyo. :"> Anyway, nabuo ko na 'yung plot nito. Sana magustuhan niyo :) ] 

~~0~~

* Reggo *

Pagbaba pa lang namin ng sasakyan, agad tumambad sa amin ang sandamakmak na tarpauline sa lobby ng school. Mayroon ding mga posters na nagkalat na nagsasabing wala na daw 'yung mga fans club kuno namin ni Gray. Haist. Good to hear. Hindi ko rin naman gusto na araw-araw na lang e may mga matang nagmamasid sa bawat galaw namin. Pakiramdam ko tuloy nasa Pinoy Big Brother kami. Bawat galaw, issue, o di kaya, bawat lingon, may flash ng camera. Nung una, mejo naeenjoy ko. Siyempre, sino ba namang ayaw maging famous? Sino ba namang ayaw mapag-usapan kasi gwapo o kaya maganda ka? Pero habang tumatagal... nakakairita na. 

May grupo ng mga kababaihang lumingon sa amin ni Gray habang papasok kami ng school.

" Anjan na sila! " 

Biglang nagsitakbuhan 'yung mga babaeng 'yon sa harap namin ni Gray. Huh? Anong mayron? Ang alam ko magkaclash 'tong dalawang fans club na 'to. Kasi nga diba? Rivals kami ni Gray... so meaning rivals din sila. Pero ngayon? Anong meron ngayon? Bakit magkakasama sila? Wala ng away?

" Gusto lang naming ipaalam sa inyo na bubuwagin na namin ang Gray Army at Reggo Nation. " sabi nung babaeng nakasalamin. Kung hindi ako nagkakamali, ito 'yung presidente ng Reggo Nation. 

Habang ako ay nakikinig sa kanila, si Gray naman ay kinukutingting 'yung cellphone niya at may nakasuksok na earphone sa dalawang butas ng tenga nito -_- Wala talagang ugali 'to. 

" Kasi papalitan na namin ito ng...

.

.

.

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon