Twenty

17.1K 387 76
                                    

* Gray *

Nandito ako ngayon sa isang lugar na matagal ko ng hindi napupuntahan, na parang matagal ng nawala sa isip ko. Ganoon pa rin naman siya simula noong huli kong punta. Maraming tao na may kanya-kanyang pinagkakaabalahan, may mga ilaw na patay sindi at iba't iba ang kulay at may mga babaeng maiiksi ang suot. Oo, andito nga ako ngayon sa bar. Maaga akong umalis sa klase ko at hindi na hinintay si... nevermind dahil wala naman akong mapapala jan. Baka mabugbog ko lang 'yung mga taong akala mo ay criminal ako kung makatingin. 

Simula noong kumalat 'yung picture na 'yun, aaminin ko naapektuhan ako. Parang naapektuhan 'yung pride ko at higit sa lahat, alam kong naapektuhan 'yung relasyon namin ni Reggo. Hindi ko 'yon gusto siyempre pero lalong hindi ko rin naman gustong masira 'yung pangalan ko. Biglang bumalik sa utak ko 'yung oras na sinabihan ko siya ng faggot. Masakit. Labag sa kalooban ko na bitawan 'yung salitang 'yon at alam kong dahil sa isang salitang 'yon ay nasaktan ko siya. Mali, hindi ko lang siya nasaktan. Nasaktan ko siya ng sobra sobra. Ako 'yung nagtatanggol sa kanya doon sa school noong mga panahong binubully siya dahil sa boses niya at inaakusahan siyang bakla pero ngayon, ako 'tong nanghusga sa kanya nitong nakaraang araw. Parang wala na rin akong pinagkaiba sa kanila.

Isinabunot ko na lang 'yung mga kamay ko sa buhok ko at saka sumubsob sa mesang nasa harap ko. Tang-ina, gustong gusto kong lumapit kay Gray para humingi ng tawad. Gusto kong bumawi sa kanya pero f*ck. Ayoko rin namang masira 'yung reputasyon ko bilang lalaki. Ang tingin na sa akin ng mga tao ngayon, bakla. For pete's sake hindi ako bakla! Pero... pero bakit ako nagkakagusto sa kapwa ko lalaki? Sa kapatid ko?! Argh. Nasipa ko na lamang 'yung bangkong nasa harap ko. 

" Hey, are you ok? " naramdaman kong may isang babaeng tumapik sa likod ko. Hindi pa naman malabo ang mata ko para makita ang mga mapuputi niyang hita at ang malulusog niyang harapan na agad naman nakapagpaakit sa akin.

" Hell no, I'm not gay. " bigla ko namang nasabi. 

I heard her chuckled.

" I'm not saying that you're gay. In fact... you're too hot to be gay. " she said with a very seductive voice.

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon