Six

25.3K 617 51
                                    

[ A/n: Heart to heart talk muna tayo. Sorry kung mejo crappy ang UD, bukod sa pangalawang update ko na 'to at pigang piga na ang utak ko, eh maingay po dito. Sorry talaga. Bawi ako next chapter. Vote and Comment pa rin po tayo sana :* ]

* Reggo *


Gising na ako pero parang ayoko pa ring imulat 'yung mga mata ko. Baka kasi imagination ko lang ang lahat. Baka paggising ko, mawala lahat bigla sa isang iglap. Pero hindi, kitang kita ko 'yung isang pares ng mga brasong nakaakap sa akin. Tama, hindi nga ito panaginip. Totoo na ito. 

Unti-unti akong humarap doon sa taong nag-mamay-ari ng mga brasong iyon. Napatawa naman ako. Ang cute niyang matulog, nakanganga. Pero kahit ganoon, ang cute niya pa ring tingnan. Nagkaroon ulit ako ng pagkakataon para tingnan 'yung mukha niya. Bakit ngayon ko lang narealize na sobrang gwapo mo pala talaga? Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit sa halip na ikaw 'yung mangligaw sa mga babae, ikaw na 'yung nililigawan. Pero ngayon... parang pati ako, napapaibig mo na rin eh. Oo, aaminin ko, hindi ko gusto 'tong nararamdaman ko, dahil uulitin ko, walang kasiguraduhan kung may pupuntahan 'tong nararamdaman ko para sa'yo. Pero hindi ko kayang pigilan. Pinilit kong bumalik dun sa dating ako. 'Yung naatract sa malaking boobs, sa malaking likuran... pero sa bawat pagpikit ko sa gabi, ikaw 'yung kahuli-hulihang taong pumapasok sa isip ko. 

'Yung mga pinaggagawa mo? Totoo kaya 'yun? O parte lang ng kagaguhan mo. Oo, aaminin ko, hindi ko man pinapakita sa'yo pero kinikilig talaga ako sa mga pinaggagawa mo. Lalo na 'to. 'Yung paggising pa nga lang sa umaga na ikaw agad 'yung makikita ko, buo na 'yung araw ko eh... gumising pa kaya ako ng nakayakap ka? D'best na 'yun! Ilang oras mo na akong akap-akap ng ganito, pero ni isang segundo hindi ako nagsawa. Parang gusto ko lagi na lang tayong ganito... pakiramdam ko protektado ako pag kasama kita. Pero kahit gaano kalaki at kalakas 'yung kilig na naidudulot mo sa'kin, ganun din kalaki 'yung takot ko kapag sumasagi sa isip ko na baka parte lang ito ng kagag*han mo. O baka gusto mo lang akong saktan bilang paghihiganti sa pagpili sa akin ni Jia noon. Maraming baka na sumasagi sa isip ko, Gray. 

Gusto kong gantihan ka sana sa mga nakakakilig na bagay na pinapakita mo. Gusto sana kitang isama noon sa pamimili ng damit, para naman matanggal 'yung gap sa pagitan natin. Pero minabuti ko nang hindi, pinipilit ko kasing huwag mapalapit sa'yo dahil sa oras na mapalapit ako sa'yo ng sobra, baka hindi ko kayanin kapag dumating 'yung oras na mawawala ka. Gusto ko ring maging sweet sa'yo, nung kumain tayo sa greenwhich. Pero hindi ko alam kung paano. Iniisip ko pa rin 'yung sasabihin ng mga tao, alam mo naman diba? 'Yung ganitong klase ng relasyon... hindi maganda sa paningin nila. Masama ba ako? Nagiging unfair ba ako sa'yo? Kasi ikaw, wala kang iniisip kundi ako... pero ako, puro 'yung sasabihin nila 'yung iniisip ko. 

Psychology and kinukuha kong course, Gray at hindi ako bobo... pero sa Math, pwede kong iconsider. Haha. 'Yun nga, hindi ako bobo para hindi maintindihang unti-unti na akong nahuhulog sa'yo. Nung una, pinilit kong labanan kasi hindi 'to tama. Pero habang nilalabanan ko, mas lalo namang tumitindi. Traydor yata 'tong puso ko e. Kagabi, pinag-isipan ko ng lahat ng 'to... sabi ko, tatanggapin ko na. Tatanggapin ko na na gusto kita. Hindi. Gustong gusto kita at hindi ko na itinatanggi 'yun sa sarili ko. Pero pagpasensyahan mo na sana kung hindi ko pa kayang ipaalam sa'yo. Hindi ko pa kayang malaman 'yung magiging reaksyon mo. Baka hindi maging maganda 'yung kalalabasan. 

Brothers in disguise (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon