Chapter 7

51.1K 646 68
                                    

"Say what?Ikaw? I mean kayo?! ay este, basta ikaw? student assistant nya?."  napatayo pa si Yannie 'don sa kinauupuan niya sa sobrang gulat.

 Oh di ba maka sigaw lang?! Pare pareho kaming hirap i-process yung nangyari ngayong araw.

"Kapatid,pwedeng wag sumigaw?!Eh hindi ko na nga alam gagawin ko eh" napapasimangot ako talaga pag naalala yung mga nangyayari.

"Eh kahit naman sino  naman fudge mababaliw. I mean  first and foremost 'e enemies kayo, walang duda yun. Magsigawan ba naman kayo  di 'ba? Tapos ngayon magiging assistant ka niya?Eh di halos araw araw may royal rumble sa unahan namin?!" Kairie.

"Oo nga Muff, nakakaloka. Lalo kang kaiinggitan at kaiinisan ng mga babae sa room" Cheska.

"Eh anong magagawa ko?. Kesa naman mabawasan ako ng 20 points di ba?! Help me girls,di ko alam gagawin ko. Baka maaga akong magka wrinkles sa sobrang stress." 

"Ah i know what to do. Halika na nga muna at mag coffee break tayo. Pati ako nahahawa sa pagkasira ng araw mo Kapatid. Wala na tayong magagawa diyan. Kesa naman magka over over ang deductions mo!" nakakunot na noo pang sagot sa akin ni Yannie.

Mga friends ko talaga sila . Pare pareho kami ng mga nararamdaman. And that's the reason why i love them so much.

Pumunta nalang kami sa mall.Kakatapos lang klase namin. Bumili ako at si Cheska ng frappe. Tapos si Yannie ate Kairie,nag milk tea lang.

"Alam mo fudge,hindi ko alam kung bakit favorite mo yang coffee,duh it's not that healthy kaya" Kairie

Comfort food ko ang pagkain ng sweets kasi talaga. At sa awa ng Dios, hindi naman ako  lumulobo sa katakawan ko.

"Hayaan mo na nga yan Mine. Nagpapakasaya yan dahil for sure for one month nasa hell yan kasama ang kanyang best enemy!" sabay hila ni Yannie kay Kairie at nag evil laugh.

Oh yeah! Hell! Burn! Pakisunog na ako! Hindi ko alam kung ano ba talagang gagawin ko eh. Ayoko naman na mabawasan ng grade ko so kailangan ko talaga tiisin yung pagsama kay 'doughnut'.

Nag ikot ikot lang kami sa mall.Window shopping,kaen dito,kaen dun. This is life guys, come on. Kahit ganitong simpleng pag gagala lang kasama ang mga kaibigan ko,nawawala na yung stress ko eh.

**Calling**

+639*********

Sino naman 'to?epal naman. Nag liliwaliw yung tao eh!.

"Hello?Who is this?"

[Melody,its me Kris]

Oh spell shocked?! Ay na spell ko na pala. Pero ano, si Sir?tinawagan ako?. San namang lupalop niya nakuha number ko?!

"Ay sir,kayo po pala. Ano pong kailangan niyo?" ano pong kailangan niyo at naggagala ako.

[I told you that you are my student assistant for a month. Marami tayong gagawin,pumunta ka na agad dito sa school.]

"But sir, nasa..

[No buts,pumunta ka na dito or else I'll give you a deduction.]

Then he ended the call.

 Sa lahat talaga po ng nakilala ko,si Sir ang pinaka nakakainis at panira ng buhay ng ibang tao.

"Hoy kapatid,anong nangyari?!" Yannie.

"Si Sir Kris tumawag. Pinapa balik na ako sa school. Madami daw kaming gagawin" malungkot kong sagot.

"Ay panira ng moment si Sir,manunuod pa naman sana tayo ng sine." Kairie.

I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon