Chapter 2

70.4K 853 65
                                    

"Manang, maya maya po, mga five minutes." tinakpan ko ng unan ang mukha ko at saka nagtaklob ng kumot. Inaantok pa ko, bawal kumontra.

Pero imbis na tumigil, pinagpatuloy ni Manang ang pag kalabit sakin sa braso at sa likod.

"Manang, 5 minutes na nga lang po eh. Inaantok lang po talaga ko, please?" pinunasan ko pa yung laway sa gilid ng labi ko at pumikit ulit. Eww, tulo laway kadiri, Melody.

Hindi pa din tumigil si Manang sa pagkalabit sakin. Masakit pa kasi ulo ko!

Tinanggal ko ang talukbong kong kumot at unan sabay upo sa kama. "Manang sabi ko pa naman po five minutes---

Imbis na si Manang, ibang mga tao ang nandito sa harapan ko ngayon.

"Hi kapatid!!!" inipit nya yung buhok ko sa gilid ng tenga ko.

"Hi Fudge"  nag wink naman sya sakin sabay ngiti.

"Oh ayang dalawa na yan, ang aga aga ako pinuntahan sa bahay para lang bisitahin ka.para namang---

"Waaaaah group hug,please!!" sigaw ko kaya naman nagsi-akap sakin yung dalawang 'to. Namiss ko talaga sila.

Si Yannie at Kairie ang dalawa pa naming bestfriend ni Cheska. Naging magka kaklase kami noong second year kami. Pare-pareho kasi kaming transferees. Pero since ang hirap kumuha ng schedule pagka irregular student ka, hindi kami nagkasabay sabay ng page encode ng subjects namin this year.

"Oy infairness na miss ko kayong dalawa!!" masaya kong sabi.

"Hyper mo fudge,parang hindi ka bagong gising. Kaya ka nga namin pinuntahan dito sa pagsikat palang ng araw eh dahil we feel the same way too" sagot ni Kairie.

"Oo nga kapatid!! Alam mo namang di kami sanay hindi kayo kasama ni Che" nag pout pa si Yannie na parang bata.

Wala ng hiya hiya kahit may muta at panis na laway pa ako. Sige lang! Sa bagay, sanay na naman kasi kaming magkakasama dahil madalas din kami mag over night kapag gusto namin.

"Grabe alam  niyo, binuo niyo na agad araw ko promise" oo kasi makita ko palang mga bestfriends ko,okay na 'yun sakin.

"Gaga,may ibabalita kami ni Yannie sayo kami narating sa inyong bonggang tahanan" Kairie

"Oo nga!OMG, so excited na !" Yannie

"Bakit?ano yun? " itong dalawang 'to, daming kalokohan.

"We just want you to know, na ihanda mo na ang upuan namin sa room niyo,dahil for tomorrow,dun na kami ni Kairie papasok. Nagpalipat kami ng schedule para sa inyong dalawa" pagkasabing pagkasabi nyan ni Yannie pakiramdam ko nawala ang antok ko at inakap ulit silang dalawa. Thank you po! At di na kami OP ni Cheska sa block section na yun!

"I love you talaga! Pero paano kayo nakapagpalipat?! Di ba bawal na?!" I asked while hugging the two of them.

"Tsk wala ka bang trust samin ?!Kami pa!Basta wag mo ng itanong,eto naman eh. Ang mahalaga magkakasama na tayo! Ay nako lang kapatid, kawawa ang mga magiging professors natin. Aalingasaw nanaman kaingayan natin sa room." Yannie

Oo tama siya,kasi pagka klase namin,di maiwasan na nag iingay talaga kami. Sorry naman,masaya lang kami magkakasama. Tsaka medyo may pagka isip bata kaming apat at aminado kami doon pare pareho.

"Ep!ep! Speaking of professors, hoy fudge, may hindi ka naiku kwento samin ha?Sabi ni Che,meron ka daw nakabangga na professor? " tanong ni Kairie habang naka cross arms pa! Like a boss!

Sa lahat talaga ng madaldal na nilalang ng Dios,si Cheska ang pinaka sa lahat! Pero love ko yan ah.

"Oo nga kapatid,narinig ko din yan kahapon sa lobby.  At aba lang ha, talagang si Sir Kris pa ang nakalaban mo. Siguro talagang tinaon mo na pogi yung professor na papagalitan ka para kinikilig ka pa din kahit masasakit na salita na ang binabato niya sayo?!" Yannie.

I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon