Chapter 47

24.6K 230 46
                                    

KRISTOF'S POV

"Sigurado ka ng kaya mo ng mag isa?" tanong ko kay Melody.

Halos ginabi na din kami ng kakaikot sa kung saan saan. Kahit may takot na samin na baka may makakita sa amin.

Sabi ko nga sa kanya.. handa akong ipaglaban siya.

"Opo,sige na..wag mo na akong ihatid sa loob.Sige na ingat ka sa pag uwi mo ha? I love you po" tapos humalik lang siya sa pisngi ko.

Lalabas na sana siya ng kotse pero pinigilan ko siya at inakap ulit.

"KK..

"I love you more, I promise that I'll try my best to fix things. Just please hold on" ako.

"Hindi mo na po kailangan sabihin yan.Kahit anong sabihin ng iba,hinding hindi kita igi give up." tapos hinawakan niya yung mukha ko.

"I love you.. kahit pa sabihin nilang hindi nageexist sa LOVE ang FOREVER. Since INVINCIBLE tayo.pipilitin natin matupad yun okay?" Melody.

"Melody..." ako

"Hmm?'

"Magtanan na kaya tayo?" seryoso kong tanong sa kanya.

Nagulat siya sa tanong ko. Sa bagay sino ba namang hindi. Kahit ako hindi ko alam na masasabi ko pala to sa isang babae -_____-

Wala naman sigurong masama di ba? I need her. Only her. And Im willing to give up everything just to be with this girl.

"KK..ano bang ini isip..

"Mangibang bansa tayo. Dun ako magta trabaho. Kahit di ko na tapusin ang Masteral ko dito. Doon ko nalang ipagpapatuloy sa ibang bansa..Kapag nandon na tayo wala ng ..

"SShhh KK. Masyado kang napaparanoid kaya ka nakakapag isip ng ganyang mga bagay eh. Picture lang yun..kayang kaya natin yun ano ka ba.. Hindi po sa ayaw ko,pero madami tayong masasaktan kapag ginawa natin yun" Melody.

Oo nga..picture,,,napaka liit na bagay pero napaka laki ng pwedeng maging epekto saming dalawa. How can I calm?

Hinigpitan lang niya yung pagkaka akap sa akin.

"May tamang panahon para sa lahat okay? Sa ngayon,kailangan lang natin ng tiwala sa isat isa. Kaya wag ka na pong maparanoid Mr.Guevarra at baka pumangit ka" then she pinched my nose.

I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon