Chapter 60

28.7K 258 38
                                    

After 3 months...

"Baby,just call me if you need anything okay?" ang totoo kanina pa siya pabalik balik dito sa kwarto ko para silipin ako . Kung tapos na ba ang pag aayos sa akin.

"Opo Daddy, bababa na po ako. Sandali nalang po ito" tapos ay ngumiti ako kay Daddy na unti unting naglalakad papunta sa akin. Huminga lang ako ng malalim at saka muling tumingin sa salamin.

"Don't worry Mam,sandali nalang po at matatapos na itong pag aayos sa buhok ninyo" pagsisiguro ni Jay sa akin. Siya yung ipinadala dito para ayusan ako. Simple lang ang ginawa niyang ayos ng buhok ko, pati yung make-up na nilagay niya.

"You look beautiful baby.." lumapit sa akin si Daddy at hinawakan ang magkabilang braso ko. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng kaba.

"Thank you Dad,ikaw din po" pagsagot ko kay Daddy habang hawak yung kamay niya. Kitang kita ko sa mukha niya yung 'excitement' . Ewan ko ba dito kay Daddy, kagabi umiyak pa yan. Pero ngayon mas excited pa samin.

"I'll wait for you downstairs baby. Ikaw na ang bahala sa kanya okay?" pagpapa alam niya sa akin at doon kay Jay.

Halos limang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay natapos na din ang pag aayos sa akin. 

Isinuot ko ka agad ang gown na nasa kama ko.

"You look stunning girl, I'm so proud of myself." pagpuri sa akin ni Jay paglabas ko palang restroom.

"Salamat sa'yo. Ikaw na talaga!" tapos inakap ko siya. 

Iniabot niya naman agad sa akin yung bulaklak na nakalagay sa side table.

"Dalian mo girl,kanina ka pa inaantay sa baba." excited niyang sagot habang naka akap pa sa akin. 

 Isang mahalagang araw ito hindi lang para sakin,kung hindi para sa buong pamilya ko. Ngayon na yung araw na pinaka aantay naming lahat. Isang okasyon na matagal din naming pinangarap noon nila Ate Harmony at Mommy. Sayang nga lang at wala siya dito para makita ang kasal ng isa sa mga anak niya. 

 Dumiretso agad ako sa labas ng bahay namin kung saan ako hinihintay ni Dad. 

"Baby ka pa ba talaga? you're such a fine lady Melody" pang aasar sakin ni Daddy. Hindi daw siya sanay makita akong naka gown at naka ayos ng ganito.

"Ewan ko sa'yo Dad. If I know, kinakabahan ka din. Uyyy, wag kang kabahan Daddy, gwapo mo kaya!" tapos hinawakan ko siya sa braso.

"Naglolokohan na tayo dito baby. Halika na,kanina pa nila tayo hinihintay doon sa simbahan" tapos pinagbuksan ako ni Dad ng pinto at inalalayan makapasok sa loob. Ganyan yan eh,pero halata talaga sa mukha niya yung kaba, at the same time excitement.

Habang nasa byahe kami, naramdaman ko nalang yung biglang pag vibrate ng phone ko. Ang totoo,ayoko munang i check yung phone ko kanina pang umaga. Paano kasi panigurado puro text lang ng mga bestfriends ko yun. Yes,pare pareho kaming excited sa araw na 'to.

I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now