Chapter 6

54K 671 38
                                    

"Ate! panong-- wala talo ka na eh!!! 50 points na ko dapat!" halos sabunutan ko na yung sarili ko. Aish. Pag si Ate talaga kalaban ko, wala,nasisiraan ako ng bait.

"No I'm not. Wag kang bulag baby, tuloy pa tayo sa laro. Magpagawa ka na nga ng salamin,parang unti unti ng lumalabo mata mo" ngumiti pa si Ate na parang nang aasar.

Ako pa magpapagawa ng salamin?Ang duga talaga!!.Naglalaro kasi kami ng word factory. Tapos kanina pa ako nananalo pero palagi niyang sinasabi na mali daw ako at wala daw ganung word! Kainis.

"Ayoko na nga,matutulog na ko!Lagi mo nalang ako dinadaya Ate"  humiga na ako sa kama ko at nagtakip ng unan. Dito kasi kami sa kwarto ko naglalaro ngayon.

 Bigla namang lumundag si Ate Harmony sa akin.Kulit talaga nito. Inakap pa ako mula sa likod.

"Ang baby kong matampuhin naman" kinurot nya ako sa pisngi. Pag kasama ko talaga 'to si ate, malalamog pisngi ko eh.

"Melody nakita ko yung kanina ah." Ano daw?Hala ano yung nakita niya.

"A..ano yun ate?" tinanggal ko yubg unan sa mukha ko at humarap sa kanya.

Pero deep inside,alam na alam ko na yung tinutukoy niya! Lagot ako.

"Ikaw talaga,sakin ka pa naglihim. Akala ko ba ako ang super duper uber bestfriend mo bukod kela Kairie? Pero bakit naglilihim ka na sakin?" ayan.na po ang interrogation niya.

"A-ate naman wala naman akong nililihim eh" pagde deny ko.

"Sino yung naghatid sayo?May pa good night good night pang nalalaman ha?at talagang sinigaw pa?". Eh bakit naman kasi yung lakas ng boses ni Adam kanina abot hanggang loob ng bahay?.

"Eh ate, kuya ni Cheska yun. Tapos po, kanina lang namin nakilala.Tsaka di 'ba Ate iniwan ko kotse ko sa school? Kaya nagpa hatid na ko" alibi ko kay Ate.

"Okay,okay wag masyadong defensive .Tinatanong ko lang naman baby."tapos tumawa siya.

"Ate naman eh " ang lakas mang asar talaga!

"Basta baby ha?be careful when it comes to love,okay?.Wag padalos dalos sa pagde desisyon. Wag kang papadala sa nararamdaman mo agad. Sige na matulog ka na at papasok ka pa bukas" hinalikan lang niya ako sa pisngi ko at umalis na sa kwarto ko.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Ate sa akin. Sobrang protective kasi nun.

.Siguro kung titignan,si Ate ang nakaranas ng totoong sakit na dala ng 'love' kasi......

****

Agad akong dumiretso sa Dean's Office. Nagtext kasi sa akin si Dean Guevarra na pumunta daw muna ako sa office niya before pumasok sa klase ko.

Secret lang daw namin ang pagpunta ko doon. Ang weird.

"Goodmorning po Sir" masaya kong bati kay Dean pagkapasok ko sa office niya.

"Oh Melody andito ka na pala. Halika, umupo ka muna." tumayo siya at itinuro yung upuan sa akin sa tapat ng table niya.

 Ang totoo,mabait naman talaga si Dean.Never ko siyang nakitang nanigaw o ano.Kung tutuusin nga, napakalayo ni Sir Kris sa Daddy niya. Si Sir Kris kasi laging naka simangot. Ay mali, poker face pala.

"So how are you hija?.Kamusta ang grades? I asked Sonia a while ago. Ang sabi niya, you're still a Dean's Lister. Keep it up."nakangiti pang sabi sa akin ni Dean.

"Okay lang naman po ako Sir. Kaya pa naman po huminga kahit papano.Thank you po. Hindi ko naman po yun magagawa kung hindi din po dahil sa pagtuturo at pag gabay niyo po sakin" last sem kasi, si Dean ang accounting professor ko. At paborito ko talaga siya. Para na kasi siyang Tatay namin nuon.

I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon