Chapter 48

24.2K 265 40
                                    

MELODY'S POV

"Baby wala pa ba ang Ate mo?" tanong sa akin ni Daddy.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko. 9:00pm na nga pero wala pa si Ate. Nasaan kaya yun?

"Uhm Dad, ako nalang po bahalang tumawag kay Ate,pahinga na po kayo." 

"Okay,just let me know if she's here already okay? Good night baby" tapos kiniss ako ni Dad sa forehead.

Hayy nasan na nga kaya si Ate. Ang totoo,hanggang ngayon hindi pa din kami nakakapag usap ng matino simula nung pagsabihan niya ako about sa amin ni Kris.

Hanggang ngayon din kasi clueless pa ako kung paano ba ang gagawin ko sa sitwasyon namin.

Mahirap mamili pag pamilya at taong mahal mo na ang naglalaban. Oo siguro, sa karamihan pamilya ang pipiliin pero ma pagkakataon na hindi ganoon kadaling pakawalan ang isang taong mahal na mahal mo na.


11:00pm

Narinig ko ng may dumating na kotse. Agad naman akong lumabas. At tama nga akong si Ate yung dumating.

"Ate..." bati ko kaso nilagpasan lang niya ako.

Dumiretso lang siya sa kusina para uminom ng tubig. Amoy alak siya,tapos nag drive siya? Ni hindi man lang siya hinatid ni Kuya MD? 

Lumapit naman ako agad..

"Ate okay ka lang ba?Para kasing naka..

"Im fine, matulog ka na..

"Eh kasi amoy alak ka, ayaw mo bang..

"I SAID IM DAMN FINE! MATULOG KA NA IWANAN MO NA AKO." sigaw sa akin ni Ate . 

Nagulat naman ako sa pagsigaw ni Ate sakin. Kaya tumakbo ako sa kwarto ko at doon umiyak .

Ganun ba kalaki kasi kasalanan ko? :( Miss na miss ko na yung 'Ate' ko. Halos ilang araw ng malamig pakikitungo niya sakin. 

Ni hindi na nga niya ako tinatawag na 'baby' . Tapos ni hindi niya ako nginingitian :(

Alam ko namang may mali ako. Pero paano ko itatama yung mali na yun kung yun lang naman yung nagpapasaya sakin? 


*****


Pagkamulat ko nga mga mata ko, maliwanag sa kwarto ko. Nakatulog nanaman ako kaka iyak.

Pagtingin ko sa orasan, 12:00pm na, kailangan ko nanamang pumasok.  Tanghaling tapat na pero ngayon lang ako gumising =_=

Oo nga pala,last 2 days na ng pagiging student assistant ko kay KK ko. Kailangan nga pala talaga akong pumasok. Hindi na kami makakapag bonding at magkakasama masyado panigurado :(

I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon