ZONE 6 - Where is she? What she is... What? No!

140 13 4
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------------

.

Kinabukasan napagdesisyunan namen na mamasyal gusto daw kasi nila na maging pamilyar ako dito sa lugar para iwas daw sa poagkaligaw. Ang gaganda ng mga lugar na napuntahan namen, sa labas na rin kame naglunch dahil tinatamad pa daw sila bumalik sa hotel. Bantay sarado nila ako sobra, mawala nga lang ata ako sa paningin nila todo panic na silang apat.

.

Pagkatapos namen maglunch sabi ng mga kuya niya may pupuntahan daw sila saglit, iniwan nila kame ni A2 sa may park. Hanggang ngayon ayaw niya pa rin ako kausapin at pansinin grabe lang. Hindi ko naman sinasadya na magfreak out kagabi, sino ba naman kasi ang hindi diba? Mga matataas na kalibre ng baril kaya yung mga hawak nila. Kailangan ko magsorry sa kanya, hindi pwede na habang andito kame hindi kame magpapansinan. -____-

.

"Ah, A2 sorry nga pala sa inasta ko kagabi, hindi ko naman sinasadya yun. Alam mo naman na takot na takot pa ako diba? Sana naman naiintindihan mo ako." paghingi ko ng tawad sa kanya.

.

Wala siyang naging tugon, nakatingin lang siya sa malayo na tila malalim ang iniisip...

.

"A2 sorry na kasi, nung ikaw naman nakapanakit saken pinatawad naman kita agad diba? Hindi ko naman sinasadya yung kagabi, sorry kung nahusgahan ko kayo. Sorry kung hindi akoo nagthank you sa pagtulong niyo samen ng pamilya ko."

.

dahil ayaw niya ko pansinin kinalabit ko na siya, saka lang lumahad saken ang masakit na katotohanan na may headset pala siya sa tenga niya at kanina pa pala ako mukhang tanga na nakikipag usap sa wala.

.

"Ha? Ano? May sinasabi ka ba? pasensya ka na hindi kita naririnig, pakiulet na lang." walang emosyon niyang pagsasalita.

.

"Sabi ko sorry dun sa inasal ko kagabi, parang naging walang utang na loob kasi ako sa inyo. Kayo nga tong halos ibuwis ang buhay para saken tapos hinusgahan ko lang kayo, sorry talaga. Nagfreak out lang naman kasi ako sa nakita ko na hawak niyong mga baril. Natakot kasi talaga ako lalo na sa banta sa buhay namen ng pamilya ko. Sorry talaga A2, by the way salamat nga pala sa pagtulong niyo samen ng magulang ko."

.

"Ah, ok." sabay kabit muli ng headset, wow! just wow! ang haba ng speech ko "Ah, ok." lang sagot niya. FACEPALM basta ako nagsorry na ako sa kanya.

.

Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya, hindi naman niya ko kinakausap kaya naman nagheadset na lang din ako at nakinig ng music sa cellphone ko.

.

Lumipas ang ilang oras na wala kameng pansinan, halos madilim na rin wala pa rin ang mga kuya niya. Sabi nila saglit lang sila, gaano ba katagal ang saglit? Aist! Nagugutom na ako at nilalamig na rin. Yung katabi ko parang walang kasama kung makaasta.

.

"Gali uwi na tayo, mukhang napasarap sila kuya sa pinuntahan nila kaya nakalimutan na nila tayo." hindi manlang siya tumingin saken nung nagsalita.

.

Tumayo siya at nagsimulang maglakad, hindi manlang niya ako nililingon. Nakasunod lang ako sa kanyanna mejo may distansiya, baka kasi kung ano ang isipin nung mga tao saken. Naglakad na lang kame pabalik ng hotel, walking distance lang naman kasi yung hotel na pinag stayan namen. Pag dating sa may madilim na parte ng kalsada may biglang sumulpot na sampung kalalakihan na hindi ko kilala...

The Pay DayWhere stories live. Discover now