ZONE 5 - The truth about Little Miss Perfect♥ She is a what?

140 14 8
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------------

.

Bago maglanding ang private jet na sinasakyan namen sa airport ng Moscow nagising na si Mr. Handsome este si Gali pala, tulala pa rin siya at halos tango lang ang kayang itugon pag kinakausap. Hinayaan na lang muna namen siya na maiprocess ng utak niya ang mga pangyayare na naganap sa Pilipinasa. Para siyang anak ng presidente kung bantayan namen nila kuya, nakasunod siya saken at sila kuya naman nasa likod niya.

.

Sa hotel na muna kame tutuloy kasi hindi pa namen nacocontact ang Black Sharks, ayaw naman namen silang biglain sa pagpunta namen sa hide out nila. Malaking grupo ito kumpara samen, may 50 members sila at sampu sa matataas na opisyales lang ang kilala namen. Naging kaibigan namen sila nung mailigtas namen ang boss nila mula sa mga White Dragon.

.

Pagdating sa hotel kumuha kame ng malaking room, sa loob nun may tatlong kwarto rin, syempre hindi kame sama sama sa iisang kwarto, may malawak na sala at may kusina. Dumeretso lang si Gali sa kwarto niya at nilock ang pinto, wag daw muna namen siya guluhin. Kaya naman pinabayaan na lamang namen siya baka kasi gusto niya na magpahinga at mapag isa.

.

Hindi rin naman nagtagal nakatanggap kame ng tawag mula kay kuya Gelo, sabi niya ok lang naman daw ang mga magulang ni Gali at nasa pangangalaga na nila ang mga ito. Kasalukuyang kinakausap at pinapaliwanag na rin daw ni daddy ang sitwasyon sa kanila.

.

Sa mga narinig namen gumaan na ang loob namen at nakahinga na kame ng maluwag. Siguro pag lumabas na siya sa kwarto niya saka na lang namen ibabalita sa kanya ang tungkol sa mga magulang niya.

.

Ok lang kaya siya? Sana naman hindi siya magkaroon ng kung anonh abnormalities dahil lang sa nangyare kanina. Aist.. ano ba kasi ang kasalanan ng mga magulang niya para ipapatay sila sa White Dragon? Kung ano man yun sana madaan sa mahinahongh usapan, ayoko kasi na makalaban ng grupo namen ang grupong yun tiyak kasi dadanak ang dugo.

.

*Gali's POV*

.

Hindi ako makapaniwala na may mga taong magtatangka sa buhay namen ng pamilya ko, sa pagkakaalam ko naman kasi wala kameng inaargabyado na tao. Kahit naman hindi ako malapit sa mga magulang ko, alam ko kung paano sila mamalakad sa negosyo. Patas at sinisiguro nila na wala silang matatapakan na kahit sino, pero baket samen nangyayare ang bagay na to?

.

Ngayon andito na kame sa Moscow, sa isang lugar na wala akong kakilala at walang nakakakilala saken. Wala pa akong lakas ng loob para kausapin sila, puno pa rin kasi ako ng pangamba para sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung ano na ang lagay nila, kung ok lang ba sila o kung may nasaktan ba sa kanila.

.

Sana naman walang nangyare na masama sa kanila, sila na lang ang meron ako. Nagpapasalamat ako na tinulungan ako ng pamilya ni A2 kahit na hindi ko naman ito hiniling sa kanila. Sinugal nila ang mga buhay nila para lang samen ng pamilya ko.

.

Wala akong alam sa kung ano ang plano nila at kung kelan kame pwede bumalik sa Pilipinas. Baket nga kaya ang lakas ng loob nila na tulungan kame? Hindi kaya isa sila sa mga nagbabalak ng masama sa pamilya ko? Ay! ano ba naman tong iniisip ko! Bad! Bura bura bura! Hindi ko malalaman ang katotohanan kung mananatili ako dito.

.

Paglabas ko ng pinto nakita ko sila sa may sala may inaayos na mga baril??? Harujusko! mukhang kasamahan nga nila ang mga namaril kahapon, at mukhang nakuha na nila kame ng magulang ko. (╥﹏╥) Halos hindi ko maikilos ang katawan ko at napako ako sa kinatatayuan ko.

The Pay DayWhere stories live. Discover now