ZONE 1 - The Day She Came into My Life

279 15 4
                                    


-----------------------------------------------------------------------------------------------

.

*First Semester 4th year College*

.

Narinig ko sa bulong bulungan sa school na may bagong transferee daw galing ng Moscow State University, hindi ko na pinakinggan yung mga kasunod kasi masyado akong busy sa ginagawa kong special project para dun sa incomplete grades ko.

.

Hindi ko na namalayan na may umupo na pala sa bakanting upuan sa tabi ko, isang babae na maganda at malaanghel ang mukha, kaso parang tomboy kung pomorma. May headphone siya tapos nakafaded jeans, 3/4 na damet at converse na sapatos. Hindi naman kasi required ang uniform sa school na to.

.

Hindi siya nagsalita ng kahit ano basta na lang siya umupo dun, napansin ko rin yung mga kaklase ko na lahat nakatitig sa kanya. Siya naman wala lang pakealam, yumuko lang siya sa desk niya at mukhang matutulog. Mukhang siya ang transferee na pinag uusapan nila kanina pa.

.

Pagdating ng Prof. namen na si Mr. Alarcon tulog pa rin siya, nahihiya naman kasi ako na gisingin siya. Grabe lang sobrang kakaiba niya, kala mo may sariling mundo siya. -_____-

.

"Miss Alvez kindly introduce yourself to your classmates please." himala ang hinahon niya ngayon, madalas kasi na nakasigaw yan. Ewan ko ba pinaglihi yata siya ng nanay niya sa sama ng loob, galet na galet sa mundo lagi. >___<

.

Tumayo naman siya at nagpakilala sa harapan, hindi pala siya tulog sadyang tumungo lang pala siya.

.

dobroye utro! I'm Althea Aileen Corpuz Alvez, 19 years old. You can just call me A2 for short. I used to live in Moscow, I can speak 3 languages English, Pilipino and Russian. Thats all Spaseeba.

dobroye utro! (dohb-ruh-ee oo-truh): Good morning!

Spaseeba (Spa-see-ba): Thank you!

.

Matapos nun ay umupo na siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Marunong naman pala magtagalog nag alien language pa sa harapan. Tss. -____-

.

"Hi! whats your name?" bigla siyang nagsalita na siyang ikinagulat ko.

.

"Ah-eh-ano..." hindi ko agad nasabi ang pangalan ko dala ng gulat sa bigla niyang tanong.

.

"That's a weird name huh? Nice to meet you Ah-eh-ano, I'm A2." nakangisi niyang sabi.

.

"I'm Geo Gali Calda Fernandez, Gali for short." nasabi ko rin ang pangalan ko sa wakas.

.

*Hahahaha* "Much weirder name." pagtawanan daw ba ang pangalan ko, Tss atleast ako hindi nagsasalita ng alien language. murmur ko.

.

"Excuse me, What did you say? I'm talking alien language? FYI thats Russian not alien language." sabay irap saken. baket ang cute niya kahit pag naiinis?

.

Hindi na lang ako kumibo kasi baka marinig pa kame ni Sir Alarcon mapalabas pa kame sa room ng wala sa oras. Si hari ng kasungitan pa naman to.

The Pay DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon