ZONE 12 - Sweet Nothings

137 12 11
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

.

TIME CHECK: 7:30 am

.

Bago ako bumaba sumilip muna ako sa bintana umaasa na wala na sila dun, kaso andun pa rin sila at ang mga loko nagawa pang matulog sa airbed. Pagbaba ko naman ay kasalukuyan na nakain na sila ng agahan, wala pa si A2 baka tulog pa, umupo na lang ako sa isa sa bakanteng upuan at nagsimula na rin na kumain.

.

"Kuya Gelo, kelan mo sila papaalisin doon? kawawa naman sila." Jeremy habang nasubo ng kanin.

.

"Pag umamin na sila sa kasalanan na nagawa nila, at sa kung ung dahilan nila sa kalopkohan na yun." malamig pa sa yelo na sagot ni kuya Gelo.

.

"Paano kung magmatigas pa rin sila at di umamin? Doon na lang sila habang buhay?" tanong naman ni paolo na pakamot kamot sa ulo.

.

"Kuya Gelo, fine suko na ako madameng nadadamay sa kalokohan ko." nanghihinang sabi ni kuya Ron ng makapasok sa kitchen mula sa pool area.

.

"Aaminin mo na ba kung ano talaga ang dahilan ng kalokohan niyo na yun?" walang emosyon na tanong ni kuya Gelo.

.

"Sa totoo lang kuya baka lalo ka lang magalet sa maririnig mong dahilan kasi sobrang babaw lang talaga tapos umiral lang yun larong sakitan samen." pangisi ngisi naman na tugon ni kuya Ron.

.

"Wag kang paligoy ligoy Ron, sagutin mo agad ang tanong ko di yung kung ano ano pa ang pinagsasabi mo diyan. Alam ko na puro kalokohan lang laman niyang kukuti mo at wala ng bago dun idol mo si peter pan eh."

.

"Ito na nga magpapaliwanag na nga po diba? Kasi ganito yun gusto namen malaman kung ano talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa kaya naman nagplano kame para mapaamin sila sa nararamdaman nila para sa isa't isa."

.

"Sinong dalawa naman ang tinutukoy mo? Si Karl at si Nina? Di pa ba obvious sa inyo na hinihintay lang ni Karl na magkagraduate sa college si Nina bago sila magpakasal."

.

"Hindi sila kuya." Iiling ilinh na si Kuya Ron.

.

"Si Jeremy at Paolo? di sila bakla sadyang silahis lang sila kaya ganyan sila kumilos."

.

"Hindi rin silang dalawa kuya."

.

"Eh sino ba ang tinutukoy mo na sila? Ayaw mo kasi deretsuhin kung sino dame mong pabitin."

.

"Si A2 at si Gali ang tinutukoy ko kuya, ayaw kasi nila aminin kung ano ba ang totoong namamagitan sa kanilang dalawa. Nung unang subok namen di nagtagumpay kaya tinry ulet namen medyo napasobra nga lang pero nakuha naman namen ang sagot."

.

"So yun na yun? Kulang na lang mamatay yung dalawa sa mga bugbog at pasa na nakuha nila tapos para lang pala yun sa kagustuhan niyo na malaman ang totoong namamagitan sa kanila. Ron uso ang pagtatanong di lahat ng bagay nadadaan sa kalokohan."

.

"Alam ko naman yun kuya pero mahirap magtanong kay Princess lalo na pagtungkol sa lovelife niya, gaya dati nung kay Dexter tagal niya ring tinago ang tungkol sa kanila. Nalaman na lang naten na naging sila pala nung nagwala siya dahil nabaril na si Dex."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Pay DayWhere stories live. Discover now