Chapter 54: Her sickness

101 5 0
                                    


Isabella's POV

Sumisikip ang dibdib ko,Hindi ko na kaya.Parang pinipigilan nyang huminga ako.

Bigla akong napahawak sa upuan habang nakahawak sa dibdib ko.Hindi ko na kaayaa...

Bigla akong bumulagta sa sahig.At agad namang tumakbo si mama papunta akin at kumuha ng tubig.

"Isabellaaa!!,Anak" sabi ni mama habang pilit akong pinapabangon.Hindi ko na talaga kaya..

"Sandali lang anak,Sandali langg..." Naiiyak na sabi ni mama at agad tumakbo sa kwarto para kunin ang mini oxygen ko at gamot ko.

Pinipilit Kong bumangon at abutin saglit yung isang baso ng tubig para inumin iyon.Naninikip ang dibdib ko,pakiramdam ko mamatay na ako.Nagsimula ng lumuha ang aking mga mata dahil sa sakit na nararamdaman ko.Kahit anong pilit Kong maging normal ay mukhang mahirap gawin.

Bumalik si mama dala ang mga gamot at yung oxygen ko,nagmamadali nyang pinasuot sa akin ang mask na nilalagay sa mga pasyente na nahihirapang huminga.Pinihit ni mama ito at lumabas ang oxygen na syang nagbigay sa akin ng hangin.Kung kanina hingal ako ng hingal,ngayon maaayos na ang pakiramdam ko.

"Anak naman kasi eh,bakit mo kasi pinapagod ang sarili mo." Naiiyak na sabi ni mama habang pinapahanginan ako.

Hindi ko Alam kung bakit ganito nalang kalala uli ang nararamdaman ko.Sa Tulad Kong may sakit Sa puso.Hindi pwede ang extreme emotion at sobrang masaya kasi naapektuhan ang pagpintig ng puso ko.

"Ma,Kasalanan po ba na.Nagmahal po ako,Diba bawal po sa tulad ko ang extreme emotion?..." Tanong ko at nagsimula ng tumulo ang mga luha sa aking mata.

"Oo anak,hanggat maaari Hindi pwede sayo ang extreme emotion, Pero anong magagawa ko anak?Nararamdaman mo yan eh.Hindi natin mapipigilan ang puso na mag mahal." Sabi ni mama na medyo naiiyak na.

"Patawad anak,dahil Hindi kita nabigyan ng normal na buhay.Edi sana Hindi ka naghihirap ng ganito." Paliwanag nya.Hinawakan ko ang kamay nya.

"Ma,wala po kayong kasalanan na ganito ako.May. reason po si God kung bakit ganito ako." Sabi ko at nanatili pa din akong nakahawak sa kamay ni mama.

"Ma,para sa akin.Narealize ko na,ang nararamdaman ko na ito ang syang nagpapalakas sa akin ngayon.Diba sabi nga po nila." If the patient is happy and feeling loved,She will be able to surpassed all of this" And that is the reason kung bakit mas pinipili ng isang pasyente ang lumaban sa sakit nya" dagdag ko.Tuluyan ng bumuhos ang mga luha sa aking mata.pati na din si mama.

Nasasaktan ako dahil,iniwan ko sya.

Iniwan ko yung lalakeng mahal ko,dahil natatakot ako na dumating ang panahon na baka,maging miserable ang buhay nya ng dahil sa akin.Natatakot ako na baka maging malungkot sya ng dahil din sa akin.

Kaya mas mabuti nalang siguro na,Hindi na akooo magpapakita sa kanya.

Pero ang pagmamahal ko sa kanya ay nanatili sa puso ko.Kailanman ay Hindi sya mawawalan ng puwang sa buhay ko.Gusto ko lang syang ilayo at protektahan sa mararamdaman nya.

Mahal ko sya.Pero pinipilit Kong iwasan ito.Dahil ito ang maaaring pumatay sa akin.Mas gugustuhin ko nalang na makita syang masaya sa iba kesa nagiging malungkot sya ng dahil sa akin.

Naging masaya na sya noon ng dahil pinarealize ko sa kanya na walang reason para maging malungkot.At nakita ko mismo sa kanyang mga mata ang tunay na Hiro.Na Masayahing Hiro.Yung Hiro na nagustuhan at minahal ko.

Sinulit ko ang gabing iyon para makasama sya.Bumalik na talaga sya sa dati.Nung huling nakausap ko sya.Ang saya saya nyang tignan.Natatakot akong mawala ang kasiyahang iyon sa mukha nya.Kaya napagdesisyunan kong umalis at magpakalayo layo ng di nagpapaalam.Kasabay ng pagpapagamot ko sa Maynila.

Patawad Hiro dahil iniwan kita,patawad dahil Hindi ko sinabi sayo ang lahat ng ito.Patawad dahil ayaw ko lang na maging malungkot ka dahil sa akin kaya Hindi ko magawang magsabi sayo.

Tumulo ang mga luha sa mata ko,Pinagsisisihan ko na iniwan ko sya.

"Anak,Pupunta tayo sa hospital bukas para magpatingin sa doctor mo." Sabi ni mama na medyo naiiyak pa.

"Opo ma" sabi ko,kumalma na uli ang pintig ng puso ko.Nakakahinga na ako ng maayos kahit papano.

Alam Kong ang sakit ko na ito ay,magtatagal lamang ng ilang taon.Karamihan sa mga nagkakasakit nito,Ay namamatay kaagad.Walang pinipiling oras ang pag atake ng sakit ko na ito.

=Kinabukasan=

"Mrs.Reyes,We have to do the medication as soon as possible" sabi ng doctor ko."Kapag Hindi natin ito gagawin Mrs.Maaaring Ilang buwan nalang ang itatagal ng taong may sakit na ito.Pagpaumanhin nyo,dahil napaka rare ng sakit mo Iha.The more na nagkakaroon sya ng extreme emotions,the more na mas aatake ito.At kung Hindi pa maaagapan.Iba po ang patutunguhan nito" paliwanag ng doctor.

Tumulo bigla ang luha sa aking mga mata.Sige, gagawin ko ito.Sa kagustuhan ko pang mabuhay at makita pa sya.Hindi na ako pumasok pagkatapos ng Prom...At ngayon na ang byahe namin papuntang Maynila.

"Misis,Ang normal na buhay para Kay Isabella ay Hindi pwede,tanggapin nalang natin na eto na talaga iyon.Kaya kung gusto nyo pa na mapahaba ang buhay ng anak nyo.Matutulungan ko kayo" sabi ng doctor ko.Kahit wlaang posibilidad na makakaya ko ang operasyon.Gagawin ko pa din para sa mga taong nagmamahal at umaasa sa akin.

"Isabella anak?" Hinawakan ni mama ang aking kamay at nakatngin ng diretso sa akin.Malungkot ang itsura ni mama ngayon.

"I will ma" sabi ko at saka niyakap sya.

"Sige po doc,gawin po natin ang treatment na yun." Sabi ko.Kahit Natatakot ako na baka ikakamatay ko ito,susubukan ko pa din.

Patawarin nyo ako guyss....

©Quinn_Arabells



My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now