Prologue

1.1K 27 13
                                    

"Bakit Hindi mo agad sinabi sa akin Isabella?" Naiiyak na tanong ni Hiro Kay Isabella.Habang sapo sapo sa balikat nya ang babaeng pinakamamahal nya,kasabay ng pagtulo ng ulan mula sa kalangitan.

"Patawarin mo ako Hiro,Hindi ko kasi maatim sa sarili ko na nakikita kang miserable ng dahil sa akin." Sabi ni Isabella kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

Nakapatong padin ang ulo ni Isabella sa balikat ni Hiro.Umagos na ang mga luha sa mga mata ni Hiro na kanina pa pinipigilan ang pagbagsak.Halo halong emosyon ang nararamdaman ni Hiro ngayon.Hindi nya gusto na nakikitang naghihirap sya at nanghihina dahil sa sakit nya.

"Isabella,please.. Lumaban ka..Andito lang ako sa tabi mo.Lalaban tayo ng Sabay kaya please wag kang bumitaw sa kamay ko.Wag mo akong iwan" Sabi nito habang pumipiyok pa dahil sa sobrang pag iyak.

"Ano ka ba? Huhuhuhu papanget tayoo kapag nag dadrama tayoo" pagbibiro pa ni Isabella.

Nalulungkot din si Isabella dahil nakikita nyang umiiyak ito.Bumangon sya sa pagkakasandal at hinawakan ang mukha ni Hiro.Na ngayon ay basang basa na dahil sa pag iyak.Hindi nya maipapangako na makakayanan nya Ang hamon.Bagkus,susubukan nya pading lumaban Kahit alam nyang matatalo din sya.

"Kahit anong mangyari Hiro.Please..Wag kang malulungkot,gusto Kong nakangiti ka.Kapag nakikita kitang masaya,masaya na din ako" sabi nito at saka ngumiti kasabay ng pagbagsak ng luha sa mga mata ni Isabella.

Niyakap nya si Hiro kasabay ng pagbagsak ng ulan...

Sa pagbagsak ng ulan,ay sya namang pagkawala ng lahat.

My Love From A Far~

By:Quinn_Arabells

All rights reserved 2018

Plagiarism is a crime!

My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now