Chapter 46: Jailed

99 8 3
                                    

A/N:Hello guys!Kung nagustuhan nyo man ang chapter ng story NATO..please do vote.ang small votes ninyo ay malaki na ang maitutulong sa storya na itoo.maraming maraming salamatt

Hiroichi's POV

Napamulat ang mata ko sa sakit ng naramdaman ko dahil sa malakas na pagpalo ng isang matigas na bagay sa bandang ulo ko.

Napabangon agad Ako ng dahil doon,Napansin kong napakadilim uli ng paligid.

"Isabella!!!,Kenneth!!" Sigaw ko,pero walang sumasagot.

Di katagalan.Biglang lumiwanag ang buong paligid at biglang umingay.

Ngayon ay napapaligiran na ako ng mga iba pang myembro ng grupo.Lahat sila ay may hawak na matigas na pamalo.

"Ohh,Gising ka na pala Hiro....Kamusta??Kamusta ang pakiramdam na mapalo ng isang matigas na bagay sa ulo heehe" sabi nito at biglang napatawa ng malakas,kasabay na pag tawa ng iba pa.

Tinapunan ko sila ng masamang tingin.Naramdaman kong kumikirot ang bandang bahagi ng ulo.Napansin kong dumudugo na pala ito.Ininda ko lahat ng ito.

"Ohh..Kamusta ang Prince charming??? Kaya mo pa bang iligtas ang prinsesa mo??" Sabi nito at saka napangisi ng nakakaloko..

Naiinis na Ako,gusto ko syang sapakin..Pero Hindi ko kailangang magpadalos dalos.

"Kaya pa ba??Huhu" Sabi nito at nang aasar pa.

"Wala akong panahon para makipag lokohan sayo Sebastian" seryosong sabi ko at saka ngumisi.Nagulat naman sya dahil doon.Akala nya Siguro natatakot ako..Huwes..Hindi.

"Awww,,Lumalaban ang prinsipe ohh" sabi nya at saka tumawa.

"Nasaan si Isabella??!" Sigaw ko.

"Ahh,haha!Si prinsesa ba??Ayun sya ohhh" sabi nito at saka may pinidot sa remote,at biglang namang lumiwanag.

Nakita ko ang isang babaeng nakatali sa isang upuan at walang malay.Nakasabit ang upuan nito sa isang makapal na bakal,..Konting galaw nalang ni Isabella ay maaari na syang mahulog doon.

Nanlisik ang mata kong tinignan si Sebastian..Demonyo talaga syaa....

Kahit na masakit padin ang pagkakahampas sa akin.Pinilit ko pa ding tumayo para mailigtas si Isabella.

"Ayyy..Bumabangon ang ating savior" sabi nito at saka nakangisi ng nakakaloko.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at saka bumaling uli ng tingin Kay Isabella na ngayon ay wala paring malay.At saka binalik uli ang tingin Kay Sebastian.Nanlilisik ang mga mata kong tinitigan sya.

Hindi kalaunan,ay may isang babaeng naglalakad.Nakasuot ito ng itim.Kaya napako ang titig ko rito.Habang naglalakad ito,Tinangunan sya ng iba pang mga miyembro.Para bang ang taas ng tingin sa kanya,At kung paano nila ito galangin ay parang isang boss.

"Ms.Black" sabi nitong si Sebastian at nakapayuko ng kaunti.

Nang maaaninag ko na ang Babae,Laking Gulat ko na.....

Bakit sya pa???...

Ysabelle??...

Ikaw si Miss Black??..

Taka akong napatingin sa kanya.Hindi maaari,Hindi ito totoo.

Ibang iba ang awra nya ngayon, Napaka seryoso ng mukha nya at kung tumingin sya ay walang emosyon.Kung paano nya ako titigan ay ibang iba.Parang hindi sya ang kilala kong Ysabelle...Ibig sabihin.Sya ang tinuturing nilang Regent.Ang boss na hindi ko pa nakita noong kabilang palang ako sa grupo ay na kasama ko na pala ng hindi ko namamalayan.

My Love From Afar ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang