Chapter 41:Transferred

101 5 2
                                    

Ysabelle's POV

Yey!Nandito na din ako sa ngayon sa Isabela Province Kung saan nakatira ngayon sila Hiro.And magtatransfer din ako mismo sa school nya.

Maganda pala sa probinsyang ito.Panigurado ako,nagugustuhan na nyang tumira dito.

Hindi na ako makapaghintay na makita uli si Hiro.Gusto Kong bumawi sa kanya.Sa lahat ng ginawa ko sa kanya.Kaya nagdesisyon na akong sundan sya.

Biglang tumunog ang cellphone ko,at tinignan ko kung ano ang meron.

Tumawatawag pala si Tita Lorelei.Agad ko namang sinagot ang tawag nya baka importante

"Hello Tita?" Bungad na sagot ko sa kabilang linya.
"Nasaan ka na banda?" Tumngin ako banda sa bintana ng sasakyan.Hindi ko kabisado ang lugar na ito,Kaya napagpasyahan kong tanungin ang driver nila Tita.

"Kuya?,asan na po tayo banda?" Tanong ko Kay kuya na nagdadrive.

"Andito na po tayo ngayon sa Ilagan" sabi nito at saka tinangunan ko na lamang sya bilang tugon.At ibinaling uli ang aking tuon Kay Tita na ngayon ay inaantay ang aking tugon mula sa kabilang linya.

"Ilagan na daw po Tita" sagot ko sa kabilang Linya.

"Ahh,ganun ba?,Sgeee Dalian mo ah" sabi nito sa kabilang linya.Ramdam ko na excited sya,sa paraan palang ng pagsasalita nya.

"opoo titaaa"sagot ko at bahagyang napatawa at saka pinatay na ang tawag sa kabilang linya.

Nasasabik na akong makita uli si Hiro pati na din si Tita.Kasalukuyan ang byahe ko ngayon papunta kila Tita Lorelei.Kaya napagdesisyunan Kong iopen ang cellphone ko at kunin ang earphones para magpatugtog.

=Hiroichi's POV=

Maaga akong pumasok ng school para makatambay ako sa room at magbasa basa muna ng libro.Hindi nga din Alam kung bakit libang na libang ako sa pagbabasa ng libro.Kinuha ko ang phone ko saka headset at nagpatugtog.

(Song played:Loser by:Bigbang)

I love kpop songs also,para sa akin Bigbang ang pinakapaborito Kong kpop artist.Bukod sa maangas ang dating nila,napakatalented din nila at napakaangas kung sila'y sumayaw.

Nagsimula ko ng ituon ang pansin ko sa pagbabasa ng libro,maaga pa naman kaya iilan pa lang ang mga pumapasok.

Pagkaraan ng ilang minuto,Nagsidatingan na lahat ng mga kaklase ko.Pati na din si Ma'am.

Agad ko namang tinago ang aking cellphone pati na rin ang earphones.

"Okay class,Attention" panimula ni ma'am at saka kinuha ang atensyon ng lahat.

"May bago kayong kaklase na kadadating lang nung isang araw"pagpapatuloy nito.Sa sinabing iyon ni maam, nagkaroon ng samot saring reaksyon ang lahat.

" Ano?!Bago nanaman???"

"Sino nanaman kaya??"

"As usual"

Yan ang mga naririnig kong reaksyon mula sa kanila.Hindi naman ako interesado sa transferee na yan.

"Okay guys,Pasok ka iha" sabi nito at nakatingin sa labas.Tila tinawatawag nya ang estudyanteng iyon ng transferee.

Bigla namang pumasok ang isang babaeng pamilyar ang mukha para sa akin na syang kinagulat ko.Ang babaeng may malaking parte sa nakaraan ko.Na gusto ng kalimutan ng puso at isip ko.

P-paanong??????

"Meet Ysabelle Clare Gonzales, A transferee from Saint Joseph LaSalle Bacolod City" Pagpapakilala ni ma'am sa kanya.Hanggang ngayon Hindi padin makaregister sa utak ko ang nangyayari.Paanong nakapunta sya dito sa Isabela Province?Paanong Alam nya ang section ko?Hindi kaya nagkataon lang?..

My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now