Chapter 33:Who is BJKL?

98 5 0
                                    


Author's note: so Guys!!Start na ng paghahanap Kay BJKL at kung sino ang nasa likod nito.Guess who guys?

Hiroichi's Pov

Pagkatapos kaming kausapin ni ma'am Jillian para sa gaganaping battle of the brains next week,Napagusapan na din namin ang coverage ng irereview namin sa competition.

Gaya ng...

STEM Grade 11

Basic Calculus
General Math
Earth and science
Personal contemporary
At English na may dalawang klase

Eto ang iilan sa sinabi Sa amin na kailangang ireview dahil kasali daw ito,at maaaring idagdag na din nila  ang mga sumusunod: Periodic Table,Earth Elements, SOH-CAH-TOA,Philippine History,Trivias,Inventions of Different Scientists, Countries,Algebra,Philippine Politics,Presidents of the Philippines, at kung ano ano pa,Kung tutuusin extra ang mga yan sa mga questions.Hindi naman lahat ay nakapokus sa topic ng subjects namin,Minsan ilalabas din nila ang ibang mga topic para mas mameasure pa nila kung hanggang saan at gano kalawak ang pag iisip mo..

Marami na din akong alam sa Philippine Histories,at Trivias kaya konti nalang ang irereview ko sa mga subjects na sinabi pa ni ma'am.

Pagkatapos nya kaming imeeting ni Isabella,Agad akong bumalik sa locker ko para kunin ang mga extrang libro na kakailangan ko sa pagrereview.

Sa tingin ko,mukhang Hindi mahihirapan si Isabella sa mga ganito kasi bihasa na sya,At nakikita ko sa mukha nya kanina habang kinakausap kami ay napaka seryoso at ibang iba sa totoong awra nya.

Tutal,wala naman kaming training ng football ngayon mas maraming oras ang maigugugol ko sa pagrereview.At sinabi Sa amin ni coach nung isa araw sa meeting namin na baka pagkatapos ng Battle of the brains kami babalik sa training at gagawin na namin itong puspusan..

Nang makuha ko na ang mga libro,sinara ko ang locker ko at napagpasyahan ng maglakad pauwi.

Habang naglalakad,hindi ko maiwasan na kapkapin sa bulsa ko ang earphones ko,nasanay na kasi ako na gumagamit ng ganun kapag mag isa lang ako,Kaya hinahanap ko ang earphones ko sa bag baka sakaling makita ko dun.

"Haysss!! asan na ba yun?" Sabi ko habang patuloy padin sa pagkalkal.

Habang kasalukuyan akong nagkakalkal, nagulat ako sa biglang pagsulpot isang Hindi ko kilalang tao na nakasuot ng itim na jacket nakahelmet ng black at nakasakay sa isang itim na motorsiklo ang muntik na akong sagasaan.

Dumaan sya banda harap ko,na syang naging reason kung bakit nalaglag ang mga gamit at librong bitbit ko.Nagulat ako dahil sa napakabilis na pangyayari.

Sinamaan ko sya ng tingin dahil dun,
"Kuya!Papatayin mo ba ako sa ginagawa mo?! mo Ha??!!!!!" Galit at Seryosong sabi ko na may halong inis,Sa sobrang lawak ng daanan naisipan nya pa ata akong banggain eh nasa side walk na nga ako.

Abat?!Gag* pala yan ah....

Habang sinasabi ko iyon,nakatigil pa din sya at deretsong nakatingin sa akin,Tsk!Ano bang problema neto?

"Black Raden, Humanda ka na sa pag bagsak mo"tugon nito,Malalim ang boses nya hindi ko matugon kung sino sya dahil hindi pamilyar ang boses nya sa akin.At teka?Bakit kilala nya ako?Bakit alam nya na Black Raden ang pangalan ko sa grupo dati?Sino ba sya?Ano ba ang kinalaman ko sa kanya?.

"Ano bang kailangan mo saken?" Seryosong sabi ko at nilabanan sya ng titig.Bahagya syang nakaharap sakin habang hinihintay ko ang tugon nya.

"Ikaw, at ang kasama mong si Black warrior na nagtatago din gaya mo,Marami kayong atrasong kailangang bayaran.At ang hindi mo pag sulpot sa usapan natin sa Lumang Warehouse." sarkastikong sabi nito,Hindi nya inalis ang helmet nya.Pakiramdam ko kaharap ko yung hinahanap ko.At nararamdaman ko ding nakangisi sya sa akin ngayon,ngising nakakapang asar.

"Binabalaan kita Blight,Nasa paligid lang kame" sabi nito at saka agad  pinaandar ang kanyang motor.Mabilis na nakaalis ang di ko matukoy na si BJKL,Sinundan ko nalamang ito ng tingin hanggang sa makalayo sya.Nakaharap ko din sya.Pero wala padin akong kaideideya kung sino ang nasa likod ng maskara nya at ano ang ibig sabihin ng apat na letra sa bawat text message na ipinapadala nya.

Habanh pinagmamasdan ko ang paglayo nya napansin ko ang mga letra na nakaukit sa likod ngmotor nya.

BJKL...

Hindi kaya sya yun?Sya kaya si BJKL?Pero pano ko sya makikilala kung nakahelmet sya,Siguro alam nyang hinahanap ko sya kaya ayaw nyang ipakita ang sarili nya sakin,alam kong natatakot sya na makilala ko sya kaya malakas ang loob nyang magbanta dahil hindi ko pa nakikilala ang nasa likod ng pangalan nya Nakaramdam ako ng konting kaba sa mga sinabi nya,Minamanmanan pala nila ako.

Pinulot ko nalang uli ang mga gamit na nalaglag ko kanina dahil sa pagdaan nya sa harapan ko at sa muntikan nyang pag sagasa sa akin.

Napaisip ako kung sino ba ang taong iyon?

May isang tao ang pumasok sa isip ko ng mapansin ko ang mga letra na nasa likudan ng motor nya.

Tekaa??!!......

Nanlaki ang mata ko sa naisip ko...

Hindi kaya?.....sya si BJKL.

Walang kasiguraduhan pero, Kailangan kong maitama ang hinala ko..

My Love From Afar ✓Where stories live. Discover now