LUHAN'S POV

1K 43 8
                                    

Hindi pa ito ang Chapter 25 :)

LUHAN'S POV
Nang tumalikod si Jessie at tumakbo papalayo sa akin ay tila pasong dinurog ang puso ko. Hindi ko na talaga maintindihan. Nararamdaman kong may nabubuo na akong pagtingin kay Jessie pero hindi ko matukoy kung anong klaseng pagtingin 'to. 'Yung tipong kapag tanungin ako out of 10, gaano na kalaki ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi ko masasagot. Wala akong ideya kung ilan, kung gaano na nga ba kalaki. Basta ang alam ko lang mayroon na. Pero kasabay ng pagaamin kong mayroon na ng talaga ay ang paulit ulit na pagsagi ng mukha at pangalan ni Mina sa isip ko. No matter how much I think of Jessie, Mina would always be there, at the back of my mind, making me feel so confused.

Nang marinig ko naman ang paghikbi at pagiyak ni Jessie ay nakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko. Tila gusto ko siyang lapitan, yakapin at bawiin ang lahat ng mga nasabi kong nakapagpaiyak sa kanya. Pero kahit na gustong gusto ko itong gawin ay hindi ko na nagawa dahil hindi ako hinayaan ni Janey na lumapit kay Jessie.

"Ngayon, Luhan, magtiis kang hindi makausap si Janey. Magtiis kang makitang nasasaktan ang kapatid ko at magtiis kang makita siyang maka move on sayo at saka kami naman ang magtitiis na panoorin kang magsisi sa kamanhiran at katangahan mo."

"Alam mo, Luhan, naiintindihan kong hindi madali 'yang pinagdadaanan mo. 'Yung may dalawa kang babaeng gusto pero hindi mo matukoy kung sino talaga sakanila. Pero tandaan mo, hindi nageexist sa mundo ang pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa dalawang tao. Kahit baliktarin mo ang mundo, may isang nakaaangat diyan sa puso mo. Pagisipan mo, Luhan. I want you to choose right. Be it Jessie or not. Basta tamang desisyon para wala nang masaktan ulit. Okay?" Hindi na ako nakasagot. Natulala na lang ako kasabay ng pagpasok ng maraming katanungan sa isip ko.

Si Mina nga ba o si Jessie?
Kung pagbabasehan sa panahon, sa kung gaano katagal ko na sila kakilala, si Mina.

Pero ano naman ang kinalaman ng panahon sa pagibig? Sa pagmamahal mo sa isang tao? Sabi nga, LOVE is not about how many days, months or years you've been together. LOVE is about how much you love each other EVERYDAY. Pero hindi ko pa rin alam. Ganun na ba ako katanga? Totoo nga siguro nakakatanga talaga kapag magsimula ka nang magmahal.

Kahit na sa dami na ng katanungang nasa isipan ko ngayon ay sinubukan ko pa ring sagutin ang ilan sa kanila.

Kung nasa peligro ang buhay ng dalawang gusto ko at iisa lang ang maililigtas ko, sino?
Si Jessie dahil sa pagkakakilala ko sa kanilang dalawa, mas lumaking matapang si Mina samantalang si Jessie naman ay minsang tapang-tapangan lang pero iyon na siguro ang isang nagustuhan ko sakanya. Hindi siya matapang pero pinipilit niyang magmukhang matapang. Sa panahon ng peligro, mas kakailanganin ni Jessie ng tulong ko.

Kung dalawa silang umiiyak at isa lang ang pupuwede mong lapitan at patahanin, sino sa dalawa?
Si Jessie... dahil noong panahong umiiyak si Mina ay itinaboy lang niya ako at sinabing kaya na niya ang sarili niya. Noong panahong 'yon ay sinunod ko ang gusto niya at hindi siya pinakialaman. Pero nang si Jessie ang nakita kong umiyak, kahit na gaano niya akong ayaw makita, tila may humihila sa aking lapitan siya at yakapin.

Marami pa akong katanungang sinagot sa isipan ko pero hindi sila nagkakaiba sa sagot. Puro si Jessie ang pinili ko.
Bakit nga ba si Jessie ang halos sagot at pinili ko? Its because I care about her. Does this mean, I care for her MORE?

At alam ko sa sarili kong isa lang ang rason kung bakit ako nagaalala sa isang tao. Hindi ka naman magaalala sa isang tao kung ayaw mo siya, diba? Hindi ka magaalala sa taong gusto mong mawala sa buhay mo dahil kahit anong mangyari, mas magaalala't magaalala ka sa taong mahal mo.

Tried and TiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon