18 - Trying to Forget

1.1K 57 9
                                    

18

How can you forget being inlove with someone? Is that even possible?

"Hindi ka ba gutom?" Kasalukuyan kaming nasa Jollibee ngayon, treat na naman ni Luhan. And yes, I'm with Luhan. Yung lalaking iniwan ko sa ere para masamahan si Aiden. Si Aiden na tinext ko at sinabihan kong hindi ako free ngayong araw kaya hindi ko siya masasamahan na lumabas.

"Hindi ba puwedeng pagusapan na natin 'yung paguusapan natin?" Pagtatanong ko. Kaninang umaga kasi ay nagising akong nakasandal siya sa pintuan  ng kwarto ko at hinihintay na magising ako. Nalaman kong kaya pala niya ako hinintay na magising ay dahil gusto niyang maituloy na namin ang paguusap na dapat gagawin namin kahapon na hindi natuloy dahil sa pagdating ni Aiden.

"Mamaya na," pa-suspense na sagot niya.

"Luhan naman! Curious na curious na ako at saka kinakabahan ako diyan sa tono ng boses mo. Ano ba 'yang paguusapan natin? About what? About... who? Sino ba or ano?" Walang tigil na tanong ko.

"Curious ka pala eh bakit hindi mo ako cinontact kahapon nung iwan mo ko?" Natulala lang ako sa kanya. Is he mad? Pero imposible! He can't be mad dahil iniwan ko siya. Ang babaw naman niya kung ganun. Unless...

"Bakit ba ganyan ka? Ang babaw mo naman magalit ngayon!" I tried sounding irritated,  annoyed.

"Never mind." Tumahimik na lang siya at nag focus sa pagkain niya. I just stared at him in disbelief. Pa suspense? Bakit ba ang babaw babaw niya ngayon?

"Ano? Habambuhay na ba akong macu-curious? Ano ba kasi 'yung gusto mong sabihin? 'Yung paguusapan natin?" He stared at me, smiling.

"Bakit ba sabik na sabik ka?" Bakas sa tono ng boses niya ang pangaasar. Napairap na lang ako sa kanya. Nakakainis!

"Yan! That's my Jessie!" Ginulo-gulo niya ang buhok ko. "Natutuwa talaga ako kapag iniirapan mo ako o kaya nilalabanan. 'Yan kasi yung nakilala kong Jessie eh. Hindi 'yung matulungin at tahimik." From nakakaloko at naging madrama ang usapan namin. He's really something....

"So hindi mo talaga sa akin sasabihin?" Nawawalan nang pasensya kong tanong.

Huminga muna siya nang malalim. Finally. Kating kati na ang tainga ko! Ano ba kasi 'yang paguusapan namin?

"Natandaan mo nung isang araw?"

"A-alin?"

"Narinig ko ang usapan niyo ni Mina." Hindi na ako nagulat. Napaghandaan ko na ito. Nang malaman ko pa lang na narinig niya ang usapan namin ay naihanda ko na ang sarili kong umamin na sa nararamdaman ko. Pero magagawa ko lang 'yun kung humingi siya ng clarifications.. ng paliwanag.

"Gusto ko lang malaman kung totoo ba ang lahat?" Mabilis na tumibok ang puso ko. Narinig niya ang lahat? Alam na niya ang sikreto ko? Tapos na ba ang pagpapanggap ko?

Tumango ako. Lahat ng narinig niya,totoo.

Bumuntong hininga siya at uminom ng coke. "Thanks for telling the truth." Wait. 'Yun na 'yon? Thank you?! THANK YOU SA NARARAMDAMAN KO? IS HE CRAZY? Sa tagal ng ginawa kong pagtago ng nararamdaman ko sa kanya, sa lahat ng pagtitimpi, THANK YOU? Isang thank you lang ang irereact niya sa lahat ng 'to?

"Maybe it's really time for me to stop loving her. Diba? She doesn't love anymore so ano pang point ng paghihintay ko? Thanks for being honest with me. Akala ko sasabihin mong maaaring hindi totoo ang sinabi ni Mina na wala na siyang nararamdaman a akin para mapagaan ang loob ko. But yeah thank you for being honest."

Natulala lang ako.

"Anong nangyari sa usapan Luhan? Anong nangyari sa magsisimula ulit tayo?" Napakunot ang noo niya tila naguguluhan.

"Akala ko ba tapos na? Akala ko ba hindi mo na ako i-iinvolve diyan sa kadramahan mo kay Mina? First was Janey then Mina. Lahat sila malapit sa akin.. hindi mo lang ba naisip na puwedeng makaapekto 'to sa samahang mayroon kami? Akala ko tapos na... peste hindi pa pala." Tumayo ako at madaling lumabas ng Jollibee.

Alam kong gulong-gulo na si Luhan ngayon. Hindi niya pa alam ang sikreto ko kaya hindi niya maiintindihan ang mga sinabi ko sa kanya. Unless he can read between the lines. Unless he paid attention on me since the first day I helped him with moving on.

Nang may nakita akong vending machine ay nilapitan ko ito at nilusutan ng pera.

"Ah! Buwisit!" Sinipa ko ang vending machine. Pati ba naman softdrinks na gusto ko ay hindi ko makukuha? Lahat nalang ba ng gusto ko hindi mapapasakin?

Sa pagtawid ay may isang bakery. Napagpasyahan kong doon na lang bumili.

"Miss, 'yung spanish bread naman." Turo ko doon sa nagiisa nang spanish bread pero habang turo ko ito ay naglaho nalang ito parang bula--binili na ito ng naunang babae sa akin.

"Fine. Hanggang dito ba naman?" Napabulong na lang ako sa sarili ko.

"Ah sorry Miss. Pero masarap naman po ito!" Tinignan ko ang tinuro niya, simpleng tinapay lang ito. What's so special about that?

"Eto, miss. Free taste na lang. Sorry ulit. Nauna na po kasi yung unang customer at matatagalan pa ang next batch ng spanish bread." Kinuha ko ang tinapay na inalok niya.

Tinikman ko ito. Masarap. Mukha lang itong simple pero masarap naman pala.

Is this a sign? Sign na ba ito na hindi lang si Luhan ang lalaki sa mundo? Sign na ba ito na maging open at mulat ako sa ibang tao? Huwag lang sa iisang tao?

How funny. Mga tinapay ang nagpa-mulat sa akin. Mga tinapay ang nagbigay ng sign sa akin.

Maybe its time.

Time to forget.

And focus on other things. Other people.

"Uy? Jessie!" Nagulat ako nang may umakbay sa akin.

"Destiny na siguro ang naglalapit sa atin noh?" Pabiro itong tumawa at mas hinigpitan ang akbay sa akin.

"Aiden, busy ka ba?"

"Nope. Actually, yayayain sana kitang lumabas. You know, date."

"Okay. Date." Tila nagningning ang mata ni Aiden sa pagpayag ko sa alok niyang date.

Sana after ng date na 'to ay parang isang magic na maglahong bigla ang nararamdaman ko para kay Luhan. Sana after ng date na ito ay hindi na si Luhan ang laman ng puso ko.

Sana si Aiden na lang.

Tried and TiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon