14 - Truth

1.4K 65 5
                                    

Matapos naming magusap ni Mina ay umalis na rin siya kaagad at nanatili lang ako sa bahay para magisip-isip at magisa. May halos tatlong oras akong nasa loob lang ng kwarto, iniisip kung papaano ko sasabihin ang mga nalaman ko at kung dapat ko na nga bang sabihin ito agad kay Luhan.

Mga 5pm nang mapagpasyahan kong lumabas at pumunta sa coffee shop kung saan madalas akong tumambay noong highschool pa ako noon kasama ang mga kaibigan ko noon. Pagpasok ko sa coffee shop ay 'di ko mapigilang mapangiti at maalala 'yung mga highschool memories ko rito. Noong mga panahong iyon, wala pa si Luhan, wala pa ako sa tamang kaisipan ko at higit sa lahat hindi pa tumitibok ng ganito katindi ang puso ko noon. Iba pa ako noong mga panahong iyon. Matapang, mataas ang pride at happy go lucky lang ako noon. Ilang taon lang ang lumipas pero ang daming nagbago. People change nga naman.

"Hi Ma'am, enjoy your order po." Nagulat ako nang may lumapit sa table kong isang waiter at ipinatong ang isang cup ng coffee at may kasama pa itong cake. Clueless kong tinignan ang waiter dahil hindi pa naman ako nakaka-order.

"Mali po yata kayo ng napuntahang customer? Hindi pa kasi ako nakakapag-order." Sabi ko rito.

Nginitian ako ng waiter na ito at sumagot, "Utos lang po sa akin nito ng isa pang customer namin." Saka na siya umalis at iniwan ako. Mga limang minuto akong nakaupo lang at pinagiisipan kung sino kaya ang maaaring customer na 'yon.

"Psst!" Dinig kong sitsit mula sa likod ko pero hindi ko ito tinignan dahil hindi ko naman ugaling maging chismosa at saka kung ako man ang tinatawag no'n, may pangalan ako.

"Psst, Jessie" This time tumingin na ako at tama nga ako sa hula ko. Si Luhan. Pagkaharap ko ay nakita kong pangiti-ngiti siya sa kabilang table at mukhang nangaasar na naman sa akin. Napatingin tuloy ako sa nakuha kong libreng cake at coffee. Hindi kaya siya 'yung nagbigay nito? Hindi kaya sinusuhulan na naman ako nito? Para saan? Para kanino? Kay Mina?

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko maintindihan 'tong sarili ko. Alam kong nasasaktan na ako pero go lang ako ng go.

"Kumusta?" Sabi nito habang paupo sa harap ng ko. Inilipat niya ang mga order niya sa table kung nasaan ako.

"Ako ba o si Mina?" Napaiwas ako agad ng tingin dahil hindi ko  na naman napigilan ang bibig ko. Nagsalita na naman ako nang hindi muna nagiisip. Si Luhan naman ay tila nagulat sa naging patanong na sagot ko. Pero nabago rin kaagad ang ekspresyon niya dahil tumawa siya at sinuksukan ng cake ang bibig ko, "Ikain mo na lang 'yan. Nangangayayat ka na oh!" Pagbibiro niya. Pero hindi ko na nagawa pang sakayan ang pagbibiro't kalokohan niya nang maalala ko ang naging usapan namin ni Mina.

"Luhan," ibinaba ko ang tinidor ko at seryosong tinignan siya. Siya naman 'tong napababa rin ang tinidor at natigilan sa pagkain niya. Binigyan din niya ako ng nagaalala at kinakabahang reaksyon. Para bang may idea na siya sa sasabihin ko.

"'Di mo ba kakainin 'yan?" Pansin kong paninibago niya ng paguusapan at nagpatuloy na lang muli siya sa pagkain.

"May sasabihin ako sa'yo," Pagpapatuloy ko pa rin sa sasabihin ko kahit na para lang siyang nagpapanggap na walang naririnig. Kahit na patuloy lang siya sa pagsubo at hindi ako magawang tignan. Ang gusto ko lang naman ay ang masabi na sa kanya ang gusto kong sabihin at ang gusto kong malaman na niya.

"Si Mina--" hindi pa ako nakakapagtapos sa sasabihin ko ay pinutol na niya ako. "Kumusta si Mina? Okay lang ba siya?" Tumango ako, "Oo, okay na okay siya, Luhan." Kahit na wala ka, okay lang siya kaya sana.. please, ikaw din maging okay ka kahit na wala siya. Gusto kong sabihin sa kanya 'yan pero hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para masabi iyon sa kanya.

"Gusto mo ba nito?" naka ngiti niyang tinusok ang donut na inorder niya at itinapat sa bibig ko. Umiling ako. "Wala kong gustong pagkain, Luhan. Ang gusto ko patapusin mo 'ko sa sasabihin ko. Gusto ko, pakinggan mo 'ko. Pupuwede ba 'yon?" Natigilan na siya sa pag kain at tila nabigla sa naging sagot ko.

Tried and TiredМесто, где живут истории. Откройте их для себя