3 - Sick

2.4K 87 14
                                    

Short chapter lang. sorry! Next chap,mahaba na. :) Gawan ko nalang ng part 2 ang chapter 3 na 'to.

Sa loob ng tatlong araw ay pinili ko munang mapagisa. Pero sa unang araw nun, lagkagising ko ng umaga pagkatapos ng araw na nagkasama kami ni Luhan ay nakatanggap kaagad ako ng text galing sakanya.

"Goodmorning Jessie. Thanks sa kahapon! Hinahanap ka ni Lilu, pwede ka ba ngayon?" 

Malaking parte sa akin ang kinilig at sumaya pero may parte rin na hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. Hindi siya galit, inis o bwisit. Somehow.. parang nalungkot ako. Parang nasaktan ako. Dahil alam kong may dahilan siya kung bakit niya ito ginagawa. Kung bakit niya ako gustong makasama. Isa na nga do'n ang pamangkin niya. At hindi ko rin naman makakalimutan ang pinaka isa at tunay ng dahilan ng lahat kung bakit kami nagkakausap o nagkakasama.

Dahil sa panahon ngayon, ako lang ang malapit sakanya. Ngayon, ako lang ang malalapitan niya. Dahil ngayon, may gusto siyang makalimutan. Kumbaga ba sa gamot, isa lang akong pain reliever. Taga tanggal lamang ako ng sakit.

Sana dumating ang isang araw na hindi lang ako isang pain reliever. Sana maging bitamina rin ako sakanya. Na magpapasaya at magpapasigla sakanya.

Imbes na replyan si Luhan ay tinext ko na lang muna si Janey.

"Janey, kamusta kayo diyan? Kelan uwi niyo? :)"

Hinintay ko ang reply niya pero walang tunog galing sa cellphone ko ang dumating. Isang doorbell ang tunog na dumating kaya madali akong bumaba ng hagdan habang nakapulupot pa ang kumot sa katawan ko dala ng lamig na dinulot ng nakatodong aircon sa kwarto. Binuksan ko ang pinto at halos mapalundag nang parang asong yumakap sa akin si Janey. Sa likod niya ay ang tahimik na nakatitig lamang na si Kai.

"We're back!!" sigaw ko ng kakambal ko sa akin. Dati-rati ay parang ako ang ganyang umasta. Dati-rati ako ang masigla, ang masiyahin at matirik ang boses. Pero nabaliktad yata ang mundo. O baka ganun lang talaga? Mabilis na mababago ng pagibig ang isang tao.

"Huy! Earth to Jessie my twinnie!" sigaw ni Janey sabay pitik sa ilong ko. Sasagot na sana ako at makiki-go with the flow sa kakulitan ng kakambal ko pero natigilan ako sa pagdating ni Luhan.

"Jess--Oh Janey, Kai! Kelan pa kayo dumating?" Halata sa mukha ni Luhan ang pagkabigla at pagkagulat. Alam ko kasing hindi pa siya handang makita si Janey. At makaharap muli ang matalik niyang kaibigan, si Kai.

"Sakto! Oh ano? Halika, kain tayo sa labas! Treat ni Kai! Luhan, may lakad ka ba ngayon?" Pagtatanong ni Janey. Napatingin ako kay Luhan at pagkatapos ay napatingin naman ako sa cellphone ko kung saan nandoon pa ang text ni Luhan. Dapat ay aalis kami kasama si Lilu. Pero sa tingin ko, hindi namatutuloy 'yun. Sa tingin ko, nakalimutan na niya 'yun. Gano'n naman eh. Kapag kaharap mo na ang taong mahal mo, malaki ang posibilidad na makalimutan mo ang lahat. Lalo na 'yung mga maliliit lang na bagay. Tulad na nga lang ng alis namin. Hindi naman 'yun kasing big deal nitong balak ni Janey na kumain kami sa labas.

"Wala naman akong lakad. Sige game! Pero pwede ko ba isama si Li--" Napatigil siya at napatingin sa akin. Agad naman akong umiwas ng tingin at tumingin na lamang kay Janey.

"K-Kayo nalang. Hindi maganda pakiramdam ko eh," palusot ko habang yakap-yakap ko pa ang nakapulupot na kumot sa katawan ko.

Kung si Luhan ay hindi pa handang makita ulit si Janey, ako rin hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang makita at maikumpara ang akto at mukha ni Luhan kapag ako o si Janey ang kasama niya. Hindi pa ako handang malaman ang katotohanan. Kahit na ngayon palang ay alam ko na talaga ito. Ang gulo noh?

Gano'n yata talaga pag sobra ka nang nagmamahal eh. Gugulo ang takbo ng utak mo at sunod na nun ay ang magiging tanga ka. O di kaya, magpapakatanga ka.

Tried and TiredWhere stories live. Discover now