23 - Tired of not thinking

884 45 7
                                    

I'm so tired of not thinking. I'm so tired of not using my brain but over using my heart. Maybe it's time. It's time to use my brain and forget my heart for awhile. Mind over heart kumbaga.

Pagbaba ko mula kwarto ay bumungad sa akin ang malaking ngiti ni Kai at Janey kaya nginitian ko sila pabalik kahit na naisip kong baka ito na ang huling ngiting maibibigay ko para sa araw na ito nang mahagip ng mga mata ko si Luhan. Itinanggal niya ang earphones sa tainga niya, umupo ng diretso at saka nagtagpo ang tingin namin. For a second, he smiled, pero nagkawalay din ang tingin namin sa isa't isa nang dumating si Aiden at gulat na nakita ang mga bisita. Tinignan niyang huli si Luhan pagkatapos ay ako. Lumapit pa siya at binulungan ako, "Ayusin mo na 'yan bago pa mahuli ang lahat."

Hindi ko maiwasang hindi tignan si Luhan. Nakatingin pala siyang muli sa akin. Sa amin. Sa amin ni Aiden. And that's when Aiden exited the scene.

"Anong ginagawa niyo rito?" Pagtatanong ko.

"Vacation? Diba Luhan? VACATION." Tila may pinahihiwatig si Janey sa sagot niya. Tumango lang si Luhan at nakulangan naman ako sa naging sagot niya. I wanted more answer from him, i don't know why. Parang may gusto akong marinig sa kanya. Parang may hinihintay ako.

"Ah, sige. Kung may kailangan kayo sabihin niyo lang sa akin." Ang tanging nasabi ko. Sino ba naman ako para mag demand ng mas mahabang sagot sa kanya, diba?

"Wow kambal, bahay mo?" Pagbibiro ni Janey. Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik na lang sa kuwarto ko. Sa lugar kung saan tahimik, walang gulo, walang tao at ako lang mag-isa. Payapa in one word. Pero kahit na magisa lang ako rito, walang ingay at walang istorbo, tila isang batalyon pa rin ang gumugulo sa isipan ko. Kahit na anong klaseng pag pikit o pagrelax ko ay tila ang ingay pa rin sa loob ng utak ko. Pero makalipas ang halos tatlompung minutong piyesta sa utak ko ay hinayaan din akong makatulog nito.

NAGISING ako sa isang katok mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ko agad ito binuksan dahil bigla akong kinabahan. Biglang may mga nabuo na namang mga katanungan sa isipan ko. Paano kung si Luhan ang kumakatok? Paano kung paguusapan na namin ang nangyayari? Paano kung sabihin niyang wala talaga? Iiyak ba ako sa harap niya? Sasampalin siya kasi ang daya niya? O tatango lang ako at ngingiti at magpapanggap na okay lang? Kahit na alam kong ang acceptance lang ang kailangan ay hindi ko pa rin maiwasang isiping paano kung kahit katiting na percent lang ay mayroon naman pala kaming pagasa sa isa't isa?
"Jessie?" Nang mabosesan ko si Janey ay parang nakaramdam ako ng disappointment pero hindi ko na lang ito inisip at nag move on.

"Mag babarbecue party tayo for dinner. Bumaba ka na." Una ay nagalinlangan pa ako pero hinawakan ako ni Janey sa braso at nginitian ako.
"Huwag ka nang maarte diyan. Mahal ka nun." Hindi man lang niya ako hinayaang makapagtanong dahil kumaripas na agad siya pababa ng hagdan.

Pagkababa ko ay nakita ko sa bintanang nas may garahe sila nagiihaw at sa katabing garden naman nakahanda ang mababang lamesa. Sa likod naman nito ay ang dalawang malaking tent.

Nang makita ako ni Janey ay agad niya akong tinawag, "Hoy Jessie! Tara dito! Ikaw magihaw dito."
Paglabas ko ay nakita kong busy nga silang lahat. Si Janey, naghihiwa at inaayos ang mga iihawin namin samantalang si Kai naman ang nag titimpla sa mga ito. Si Aiden at Chesca naman ay umalis saglit para bumili ng mga kulang na mga gamit at inumin. Huli kong nakita si Luhan sa gilid. Nakaupo lang at walang ginagawa. Hawak lang niya ang ipad niya at naglalaro.

Dahil ako ang in-charged para magihaw ay ako rin ang magreready ng ihawan.
"Kai, pabuhat naman nung ihawan, oh?" Masyado kasi itong mabigat at hindi ko kakayaning buhatin magisa papunta sa garahe.

"Ako na." Nagulat ako nang buhat-buhat na ni Luhan ang ihawan at inilagay sa garahe kung saan malayo kina Janey at Kai at sa tent para maiwasan ang kalat sa garden.

"T-Thanks." Ang tanging nasabi ko dahil 'yon lang naman ang kailangan kong sabihin, diba?
"Okay na ko dito." Sabi ko nang mapansin kong hindi siya umaalis. Nang sabihin ko namang okay ako ay umalis din siya kaya nakahinga akong mabuti pero makalipas lamang ang ilang segundo ay bumalik siyang may buhat na dalawang upuan. Ibinigay niya sa akin ang isa samantalang ang isa naman ay itinabi niya sa akin at inupuan niya.

"Malamok dito." Sabi ko sakanya pero hindi siya nakinig at siya na ang nagsimulang mag set ng ihawan. Nilagyan niya ito ng uling at inapuyan.
"Paypayan mo lang." Tumayo siya at pumasok sa loob ng bahay. Bumalik siya ng may dala namang isang baso ng tubig at inabot sa akin. Ininuman ko naman ito ng kaunti at ipinatong sa maliit na lamesang binuhat niya kasama ng ihawan. Laking gulat ko nalang nang kunin niya ang baso at siya naman ang uminom dito.
Napatayo ako at mabilis na lumakad papasok ng bahay. Ayoko na. Ayoko nang nakakasama siya ng ganoon. Ayokong nagkakatabi kami. Ayoko nang nagkakausap kami at ayoko na ng nagiging mabait siya sa akin. Ayoko nang mas umasa pa at mas masaktan pa. Ayoko nang tumibok ang puso ko para sa kanya.

Pagod na pagod na akong pigilan tong nararamdaman ko. Pagod na pagod na akong itagong nasasaktan at umaasa ako.

"Jessie." Nang marinig ko ang boses niya at nang marealize kong sinundan niya ako, pinilit kong hindi tumulo ang luha ko.

Andiyan na naman siya, paaaasahin ako at heto na naman ako tangang assumera!

"Jessie, may kailangan akong sabihin sayo." Tumango ako. Tuluyan na akong naiyak. Dahil finally, sinabi rin niya. Pero...

NEXT UPDATE AGAD AGAD 12AM, MAY 27. Malapit nang matapos. Hanggang 25 chaps lang to e. Sorry pala sa sobrang tagaaaaal ng UD hehe. Dami kasing inaasikaso and medyo wala sa wisyo ang utak kong magconstruct ng sentences. Kung pwede lang na utak ko nalang basahin niyo eh HAHHAAH Anyway, one thing i can promise is saktong June 1, tapos tong Tried and Tired. And yes bitin chapter!! hahahah

Tried and TiredWhere stories live. Discover now