Chapter 3

58.1K 760 90
                                    

"Baby! Buksan mo 'tong pinto mo! Ang sakit na ng kamay ko ah!." naririnig ko na yung sigaw ni Ate sa labas pero nandito pa din ako at nagtatago sa ilalim ng kumot ko at naglalaro sa iPad ko.

"Ate naman. Wala akong balak pumasok. O kaya magpapalate nalang po ako! " wala naman talaga akong balak pumasok. Makikita ko lang yung 'slow' kong professor.

Ayoko na muna talagang pumasok promise,sumpa man talaga! Kahapon nung nagkita kami ni 'doughnut' sa campus,? at inapproach sya, hindi man lang niya ako pinansin. Nag "Hi Sir" na nga ako tapos deadma ang drama niya?! Arte!

"Kapag ikaw hindi ka pa tumayo diyan bahala ka. Hindi ko bibigay sayo 'tong padala ni Dad na album?! Hmmm, teka, sexy,free and single?!" Ate Harmony.  

Bigla akong napatayo sa higaan ko at agad na binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Muntikan ko na din maibato yung iPad ko sa sobrang ligalig!

"Ate!! I love you! akin na yan. Thank you po!" sabay agaw sa kanya nung album! Pakiramdam ko nasa cloud nine ako. Itong kaadikan ko sa KPOP especially SUJU nalang ang nagpapaligaya ng buhay ko.

"You're still our little girl pa din talaga. Oh sige na, I have to go. Pumasok ka sa school ha?Wag ka ng tatamad tamad diyan." humalik lang siya sa pisngi ko at saka bumaba na ng tuluyan sa hagdan.

"Bye Ate, I love you more" pagsigaw ko.

Si Ate Harmony nga pala yun. Siya ang kaisa isa kong kapatid, my ever loving sister. She's a fashion designer.At katulad ko,makulit at adik sa kung ano anong weird na bagay. Though hindi siya KPOP fan na kagaya ko. Mahilig siya sa mga boy group din, pero nung mga kapanahunan niya. You know, backstreet boys,westlife & A1.

Yung feeling na bigla akong nagkaron ng energy?Ang lapad ng ngiti ko!Eto lang,eto lang talagang album na to! kumpleto na araw ko! 

Agad ko namang tinawagan si Daddy. Nasa South Korea kasi siya ngayon for a business trip and before siya umalis, kabilin bilinan ko na ibili niya ko ng album! Since maabutan na nandun siya pagka nirelease na.

"Hello melody is there .."

"Daddy good morning po! I love you so much! I miss you! And yes po I got the album already! May kapalit naman po 'to na kiss at hug pag uwi mo.!" dire diretso ko halos magsalita,ano ba yan.

"Ikaw talagang bata ka oh, you're welcome baby. Papasok ka pa di ba?bakit parang bagong gising pa yang boses mo?" tanong agad ni Dad. Ayaw kasi niyan tinatamad akong mag aral.

"Ahhh,eh..haha medyo tinanghali po ako ng gising Dad. Eto na po Dad magre ready na po ako!I love you po ulit,I love you so much talaga,thank you po ulit " kaya naman agad ko ng kinuha yung towel ko at dumiretso sa pintuan ng restroom.

"O sige baby, I have to go too. I love you most my baby,study hard okay?!" paalala ni Dad.

"Sure Dad,ingat ka po diyan" then I hang up.

 Napangiti nalang ako mag-isa sa sobrang saya na nararamdaman ko. Kung tutuusin sobrang swerte ko sa pamilya ko. Sabi ko nga, gusto ko pag nag asawa ako,parang si Daddy lang. Yung sa kabila ng busy sa trabaho, kaya pa din magbigay ng oras para sa pamilya at mga anak niya.

Tapos gusto ko din yung sa kanila ni mommy na love story. Yung true love talaga? Yung makabuo din ng ganitong masayang pamilya?. Though my Mom is in heaven already, i still believe that she's just around us.

Time check : 7:30?!!!!

8am ang class ko! sheez!! 

                                                                                   ***********

I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon