Scene 35

8.1K 231 23
                                    

After ng confession kahapon, awkward na sa bahay. Wala ng kumakausap sa akin. Oo, as in wala. Sumabay na ako sa kanila kumain pero wala talagang nagsalita. Para kaming hindi magkakakilala at sobrang nagi-guilty na ako. Napagod na ata silang intindihin ako e.

Hindi nga tumitingin si Raven sa akin e, gulat pa rin naman ako sa sinabi niya na ayun nga pero hindi ba dapat isantabi muna namin yun? Pero hindi ko naman siya masisisi, nasaktan ko siya kasi lagi ko na lang siyang pinagmumukhang masama.

Pagkatapos ko mag-almusal, naligo at nagbihis na ako. Pupunta akong Serpents ngayon para naman makita ulit nila ang presence ko, kung anong gulo ang madatnan ko? Bahala na, basta gusto kong bumalik ng building.

Pagdating ko sa building, nakakapagtaka ang asta ng mga tao sa akin. Yung iba nginingitian ako tapos yung iba naman nagba-bow pa. Naano ba ang Serpents? Baka naman naisip nila na wala silang laban sa akin so might as well maging mabait sila. Whatever. Hindi naman yun ang ipinunta ko dito eh. Gusto ko lang talagang bumalik sa server room kaya naglakad na ako pababa sa basement.

Noong nasa harap na ako ng server room, huminga ako ng malalim saka pinindot ang code. Pagtapak ko papasok, naramdaman ko agad yung malamig na hangin, napapikit ako.
Soul.

Tapos unti unting bumalik sa akin yung nangyari. Kaya ako nagpunta dito ay para makausad na ako sa buhay ko, kumbaga kailangan ko ng mag-move on. Tama lang siguro na ipaalala ko sa sarili ko ang nangyari para magsawa ako kaiisip hanggang sa hindi na ulit pumasok sa isip ko yun. Unfair kasi kung hahayaan kong sila Papsy ang humarap sa mga problema ko, kasi nga problema ko yun kaya ako dapat ang humanap ng solusyon.

Sa totoo lang, isang solusyon lang naman ang pumapasok sa isip ko e. Wasakin ang Phoenix, para wala nang umepal sa amin. Paano ko naman gagawin yun?

Nagmulat na ako ng mata noong hindi na malamig ang hangin, kasabay nun ay ang biglang pag-ilaw ng malaking monitor na nasa gitna ng server room. Noong una ay malabo ang lumalabas sa screen hanggang sa unti unting naging malinaw.

Isang lalaking may eyepatch ang nag-appear sa screen. Sino naman kaya to? Ano to video tape? Sasabihin ba nilang nasa reality show lang ako at trip lang lahat ng nangyayari sa buhay ko? Sana nga! Asa pa ako!

" Hi, Red or should I call you Erin Olivia? What do you prefer? " tanong ng lalaking nasa screen, mahahalat sa boses niya ang kakaibang accent niya at nakita ko rin ang marka sa leeg niya kaya naman napatigil ako. Phoenix! Hindi ito video tape, video call ito.

" Who are you? " tanong ko dahil halata naman na hindi siya nakakaunawa ng tagalog.

He smirked at sa totoo lang nagtayuan ang balahibo sa braso ko dahil dun. Creepy! Parang yung pag-ngisi niya sinasabing kilalang kilala niya ako.

" Don't you recognize me EO1? It doesn't matter. I just want you to watch this video. "

Nagflash sa screen ang isang madilim na eksena. Napasinghap ko, it's the scene where I'm about to shoot Soul kaso walang bala ang baril ko, tumawa si Soul sa video at nagzoom in yun malapit sa mukha niya.

He was crying? He was crying that time! So he faked it? Wala talagang kumokontrol sa kanya?

Nalipat ang eksena sa parte na pipindutin na dapat ang remote na hawak nita, nag zoom in ulit yun palapit sa kanya. Nanginginig niyang itinapat ang daliri niya sa remote. Umiiyak pa rin siya.

Then it all hit me. He was not planning to do it! Wala siyang balak! He was really faking it! Tapos tumama sa kanya ang bala.

"STOP!" sigaw ko kaya naman natigil ang video, narinig ko ang malutong na tawa ng lalaki sa screen.

What have I done?? Pinatay ko siya kahit na wala talaga siyang balak saktan ako! Lalo akong binalot ng guilt at konsensya.

" I pity him! He was so inlove with you and decided to back out by dying. I wonder how it feels to be killed by the one you love. "

" Tama na... Tama na... Sino ka ba?! Why do you have an access here?! " galit na tanong ko sa kanya, tumawa siyang muli.

" Well, thanks to Shadow's expertise. I ordered him to meet you at the server room so we could talk but he altered my plan. I thought you'll never come back." sabi niya.

Siya pala talaga dapat ang kakausapin ko.

"What do you want!!" sigaw ko sa kanya, he smirked again.

"Hmm... I just want you to realize.... some things.." he meaningfully send, yumuko siya at may pinindot na kung ano. Nag-appear sa screen ang isang litrato na may nakasulat na missing sa taas.

The girl in the picture is me. Ako yun! Noong six years old pa ako pero anong ibig sabihin ng missing? Lalong sumasakit ang ulo ko.

"I guess you enjoyed your life as a serpent member, that's why you never asked yourself again so let me remind you about the real you Erin.. Why do you think you were being chased 14 years ago?"

Shit! That again! Bakit nga ba kami hinahabol noon? Pero waot how did he know about that!? Di kaya.. Phoenix ang humahabol sa akin noon?! Ghaad! Ang gulo!

" I think you're starting to think about it again. Let me ask you another question... " pinutol niya ang sasabihin niya kaya tiningnan ko siya ng masama kahit na nasa screen lang siya. Ayoko talagang nabibitin lalo pa at labo labo ang mga naiisip ko.

" Chill.. I'm here to help. Haha. Why do you think the Serpents have to hide you? They hide about the existence of such discovery like you, why do they have to make you act like a three ranked member? They should have bragged about you unless they really need to hide you. "

Bakit ba paulit ulit na bumabalik ang mga tanong na yan? Bakit ako hinahabol noon? Bakit tinatago ang tungkol sa akin?!

" They needed to hide me as a secret weapon." I reasoned out.

"Don't convince yourself... They hide not because you are a secret weapon... But because... They are afraid that when your identity is revealed, you'll know their deepest secret. Hahaha It's something about you. "

Maniniwala ba ako sa mga sinasabi ng lalaking hindi ko naman kilala? May pinapahiwatig ang mga sinasabi niya at talagang malaman ang mga tanong niya. Yun yung mga tanong na hanggang ngayon wala pa ring sagot. Ang nakakapagtaka talaga ay kung bakit ang dami niyang alam sa akin.

" Why do you know so much about me?! " I asked.

Ngumiti siya, yep he smiled. A real smile! Hindi smirk.

" You have to meet me if you really want to know about that. For now, try to ask Peter Alcantara about everything."

- - - - - - - - - - - - - - - -

Aww ang sakit. Echos lang pala ni Soul yun pero namatay na siya. At sino ba tong nakakanosebleed na eyepatch man na to!?  Ano ba ang pinagsasasabi niya?

Sarreh sa maling grammar kung meron man. Update? Dunno when. For now, try niyo rin muna tanongin ang mga sarili niyo. Vote and Comment.

_chase

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon