Scene 20

10.3K 302 55
                                    

" Hoy! Ikaw! Bakit ka nandito?! " sigaw kong muli sa lalaking nagmamaneho ng kotse. Nakatutok pa rin sa kanya ang baril pero hindi ako nakakita ng kahit na anong takot. Diretso lang ang tingin niya sa daan, hindi siya kinakabahan.

" Ang ingay mo. " mahinang sabi niya.

Aba! Antipatiko pala tong lalaking to. Noong una ko siyang makita akala ko medyo matinong tao siya. Nanginginig pa nga siya noong tinutukan ko siya ng baril ko pero ibang iba ang nakikita ko ngayon. Matapang!

" Ikaw si L di ba? " kalmadong tanong ko sa kanya. Yung lalaking sinubukan kong hanapin dahil sa kung anong sinabi niya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko, tuloy tuloy pa rin siya sa pagmamaneho hanggang sa itigil niya yun sa isang mapunong lugar.

" Hoy! Bakit mo ako dinala dito? Walang hiya kang L ka! Shet! Papatayin mo ba ako?! " paghyhysterical ko pero siyempre joke lang na natatakot ako.

" Ungas! Hindi. Saka wag ngang L ang tawag mo sa akin! " he said.

Bakit ayaw niyang tawagin ko siyang L, eh yun yung pangalang nakasulat sa papel na binigay niya kasama nitong Taurus PT92.

" Larkin! Call me Larkin. Yun ang pangalan ko! " sabi niya then suddenly bigla niyang kinakamot yung mukha niya- ewan ko basta ganun. Tapos bigla niyang tinikal ang mukha niya! Pucha?! Maskara lang pala yun.

Bumungad sa akin ang napakagwapong mukha. Grabe, sure ba siyang Larkin ang pangalan niya? Kamukha niya kasi yung lalaki sa palabas na The Heirs, si Lee Min Ho. Dami kong alam sa koreano, si Natasha kasi.

" Pasukan ng langaw yang bunganga mo! " antipatikong sabi niya.

May mas malala pa pala sa ugali ni Raven. Ibabalita ko nga sa kanya para mainis at ma-insecure na naman siya.

" So hindi yun ang totoo mong mukha?! " I asked then he smiled like he's mocking me.

" Malamang, and that's the reason kung bakit hindi niyo nahanap ang identity ko nung pina-scan niyo ang mukha ko sa system ng Serpent Organization, yung finger print sa baril at sa papel ay parehong fake. "

Ahh ganun pala yun. Pero teka wait! Paano niyang nalaman na sinubukan kong alamin ang identity niya?

" Paano mo nalaman yun? " I curiously asked, hinablot niya ang Taurus PT92 sa kamay ko saka niya kinalas iyon. Maya maya pa ay may pinakita siya sa aking dalawang maliit na bilog.

" Oh ano yan? " tanong ko sa kanya.

" Tanga ka rin pala minsan, tracker ito at ito naman bug. " he said habang inilalapit sa mukha ko ang dalawang bilog na hawak niya.

" Bakit ka may ganyan? Bakit kailangan mo akong i-track? " tanong ko sa kanya, bigla siyang may hinugot sa bulsa niya at may ipinakita sa akin.

Napatitig ako sa ipinakita niya. Nag-isip akong mabuti, lalabas na ba ako ng kotse niya at magfi-feeling flash o dito lang ako at papakinggan siya.

" I'm an NBI agent. " sabi niya nung mapansin niyang hindi ako nagsasalita noong ipakita niya ang chapa niya as an NBI agent.

" Nabasa ko! Bobo nito! Ehh bakit naman naging alalay ng isang killer ng politiko ang isang NBI agent? " tanong ko sa kanya, ang tinutukoy ko ay yung una kong sabak sa misyon, hindi ba nga ang target namin noon eh yung lalaking pumapatay ng mga politiko, tapos that time siya si Kuya (tawag ko sa kanya) na alalay nung target namin.

" Tatay ko kasi ang napabalitang next target niya so I planned to kill him habang nagpapanggap na alipores niya using that mask na hindi kagwapohan. " he said while pointing sa mask na tinapon niya sa backseat ng kotse niya.

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon