Scene 18

11.2K 301 27
                                    

Kinaumagahan ay sinabi ko agad kay Soul na magkita kami kaya magkasama kami ngayhon sa coffee shop na pinagkapehan namin dati, alala niyo pa? Medyo praning na nga ako tungkol doon sa hacker eh, kasi natelevise na rin yung tungkol sa pagkalat ng information ko at nagtrending na sa twitter at facebook.

Masisi niyo ba ako kung ang unang pinaghinalaan ko about sa hacker ay si Soul? Una sa lahat, computer genius siya ng organization. Pangalawa, di ba nga misteryoso yan? pero nung pumasok ako dito biglang nagbago?

Nakatitig lang ako sa kanya, hindi yung titig na parang humahanga, kahit na sobrang gwapo niya sa paningin ko dahil sa suot niyang white v-neck shirt at black pants. Yung titig na sa utak ko ee iniimbestigahan ko na siya, yung titig na sa isip ko ee ini-interrogate ko na siya.

" Bakit parang ang sama mo makatingin? " he asked.

He sounded like he's offended, sa bagay staring is rude naman talaga. Baka nga kapag ako ang tinitigan ng ganun, masapak ko yung tumititig sa akin.

" I was just thinking, hindi ba computer genius ka and then bigla kang nakipaglapit sa akin, knowing na anak ako ng isa sa founders ng Serpents. Hindi kaya ikaw yung hacker? " I joked pero half meant.

Alam rin kasi ni Soul ang tungkol sa pagkakahack ng system ng pc ni Papsy pero hindi niya alam na galing doon yung information na kumakalat sa internet. As a computer genius ng organization, sa kanya unang humingi ng tulong si Papsy. Noong araw na nadatnan ko silang magkausap, yun yung time na humingi siya ng tulong kay Soul. Pero naisip ko rin kasi, what if front lang niya na tumulong at talagang siya ang gumagawa ng gulo. Kaya tinanong ko siya, kung kakabahan siya sa tanong eh baka ng may ginagawa siyang kakaiba.

When I looked at him, he didn't shrugged, ni hindi nga nagpapakita ng kaba yung mata niya. Just the normal Soul, emotionless.

" Pinagbibintangan mo ba ako? Why would I do such a thing? Kung hacking lang din naman ang gagawin ko, sana ginawa ko na nung unang araw akong narecruit dito. You really tried to connect the hacking incident sa pakikipaglapit ko sa'yo ha. Nakipaglapit ako sa'yo kasi the first time na magkita tayo, gusto na agad kita. Dahil lang tahimik ako may gagawin na akong masama? dahil lang mas madalas akong nakaharap sa laptop kesa nakaharap sa tao eh ako na yung hacker? Red, I thought you were different. Akala ko hindi mo ko huhusgahan dahil lang naging totoo ako sa sarili ko but I guess I'm wrong. Excuse me. "

Nakita ko yung lungkot sa mata niya habang sinasabi niya ang mga yun. Kahit na wala akong reaksyon sa mukha ko, yung utak ko naman nagsusumigaw na humingi ako ng sorry. Pabang binibitawan niya yung mga huling salita, nasaktan na ako then I realized he's right. Masyado nga akong naging judgemental. But because of pride, hindi ako humingi ng sorry.

" Soul, nagjojoke lang ako. " sabi ko sa kanya bago niya tuluyang masara yung pinto ng coffee shop.

Tumingin siya sa akin. Sadness was flashed in his eyes, sadness and pain. Napatigil ako, alam kong halfmeant yung joke ko kaya nakokonsensya ako.

" Talk to me kapag hindi mo na ako pinagbibintangan. " he said then he left.

Ako, ayun nakatulala sa may pintuan ng coffee shop waiting for him na bumalik at sabihing 'Joke lang din ' pero hindi siya bumalik.

Para akong tangang umuwi ng bahay, then I saw Natasha sa living area, nakaharap siya sa laptop niya at seryoso siyang nakatingin doon .

Hindi kaya si Natasha yung hacker? Maraming connection si Natasha? Baka pinagawa niya sa iba? Or nagpaturo siya kung paano mag-hack.

Baka nung nakidnap siya eh na-manipulate na yung utak niya para ikalat sa buong mundo yung tungkol sa pag-eexist ko.

Lumapit ako sa kanya ng tahimik para hindi siya maalerto at maisara ang laptop niya bago ako makalapit. Nung nasa tabi na niya ako, narinig kong bumubulong siya.

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon