Scene 31

7.9K 228 25
                                    

"Bullshit!" sabi ni Papsy,padabog na tumayo at nagpalakad lakad sa likod ng desk niya, tumingin siya kay Fox. "You can go now" kahit naiirita si Fox ay lumabas na siya ng opisina.

So this is between the three of us lang? Ang problemang sinasabi niya ay problema lang namin.

"Tawagan mo si Natasha, papuntahin mo dito we need to talk." sabi niya.

Magda-dial pa lang sana ako ng number ni Natasha nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Natasha, nagpapanic siya.

"Nabasa niyo na ba? OhEmGee! We're DOOMED!" hysterical na sabi niya kaya naman sabay kaming napatayo ni Raven papunta sa harap ng computer .

Malakas ang kutob ko kung bakit ganito ang reaction nila pero ayokong aminin sa sarili ko. Hindi ba pwedeng bukas na lang? O kaya next week? Wag ngayon.

Binasa ko ang article na nakaflash sa monitor ng computer ni Papsy. Gusto kong basagin yung monitor.

The Monster's Identity: Revealed

Marami pang kung ano anong nakasulat doon pero yung huling sentence niya ang nakagulantang sa diwa ko.

She's hiding by the name 'Red Alcantara'

Katabi nun ay ang picture ko sa boracay suot ang kapos sa telang swimsuit. Napahawak ako sa lef wrist ko, mahigpit na hawak.

"Damn tattoo. Ang laki mong trouble." sabi ko.

I looked at them, si Natasha nginangatngat na naman ang kuko niya sa kamay, si Papsy ay naglalakad lakad at si Raven nakatitig lang sa monitor.

"Ano ba? Ang serious niyo? Hindi pa end of the world! Mga 3 days from now pa." I joked pero walang tumawa.

"What are we going to do?" tanong ni Natasha.

Walang sumagot. Wala naman kasing may alam ng tamang sagot. Parang sinasampal sa akin yung kasabihan na 'walang sikretong hindi nabubunyag'. Tangina lang! Sino bang nagsabing itago namin tong identity na to.

Hinawakan ako ni Raven sa balikat, tumingin siya sa mata ko. Natatakot siya. Sobrang natatakot siya.

"Red, you need to hide." he suggested kaya nakuha ang atensyon naming tatlo.

Sakto namang bigla biglang may nagpupumilit buksan ang pinto ng opisina ni Papsy. Nilock pala ni Natasha yun.

"Hide? Is that the only solution you can suggest? Sawa na ako! Sawang sawa na ako. Bakit pa ako magtatago! Can't you see? Hindi lang pangalan ko ang lumaganap sa internet pati yung maganda kong mukha." Sabi ko sa kanila.

Ayoko na talaga magtago. Parang pinapatagal ko lang yung sitwasyon. Lalo lang magkakagulo mung patatagalin pa to.

Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon, sunod sunod na na pumasok ang mga jutanders na member ng Serpents. Sila rin yung mga nakilala ko noong unang araw ko dito.

They looked at me. Natatakot sila except one person. Yung matandang huklubang amoy lupa na si Darkon. Nakatingin siya sa akin and he's smiling-err grinning.

"I knew it. Talagang may tinatago ka Red." He said kaya naman sabay sabay na naglabas ng weapon ang mga jutanders na kasama niya.

Nagpanic ang tatlo kong kasama pero sinenyasan ko na silang kaya ko to.

"Oh tapos? Papatayin niyo ko? " I asked them pero walang sumagot. Hindi rin nila alam kung bakit nila ako hinahamon ng ganun.

"Kung papatayin niyo ako ngayon, at bigla kayong sinugod ng Phoenix thinking na may secret weapon kayo. Ano kayang mangyayari? " paghahamon ko sa kanila.

Naintindihan naman nila ang gusto kong sabihin kaya agad na binaba nila ang mga weapons nila. Yung tatlo kong kasama sabay sabay ring napabuntong hininga.

Lumapit si IKAMAMOKO kay Papsy. "Ipaliwanag mo to? Noong unang kumalat ang balitang to. Tinanong ka na namin, pero tinago mo pa rin? What are you thinking?!" galit na sabi niya.

" I'm trying to protect the organization! Tinago ko ang tungkol sa kanya kasi alam kong mas mabuti kung walang nakakaalam!" sigaw ni Papsy sa kanilang lahat.

"Gago! Tinago mo ang tungkol dito tapos nung nahack ang system mo dineny mo pa rin. Hindi kaya may iba ka pang itinatago?"

Lahat kami ay napatingin sa nagsalita, si Darkon. Kapag nagsasalita siya ay lagi lang ganun ang epekto. Mapapatango ka at may maiiwang tanong sa isip mo.

Ano naman kaya ang gustong iparating ng matandang huklubang amoy lupa na to?

Tumingin ako kay Papsy, mukhang nagulat siya. Ganoon din si Natasha. Hindi kaya may alam talaga sila na hindi nila sinasabi sa akin. Bwisit ka talaga Darkon! Napapaisip tuloy ako.

"Wala." he simply said.

"So ano na ang gagawin natin ngayon? Hindi na pwedeng itago pa ang pagkatao niya! Alam mo ba kung gaano kadaming member ang nagwawala sa labas because of this issue?!" sabi ng isang matandang lalaki, nakalimutangl ko codename niya.

Tahimik lang si Papsy kahit na sabay sabay na nagsasalita ang mga jutanders sa paligid namin. Nakita ko si Raven, umiinit na ang ulo niya, parang galit na galit na siya.

"LUMABAS NA MUNA KAYO! WE WILL FIX EVERYTHING!" sigaw niya sa amin, lahat kami ay nagulantang pero lumabas rin naman ang mga jutanders tapos humarap si Raven kay Natasha at Papsy.

"I told you! This is a bad idea! Hindi kayo nakinig sa akin! Tingnan niyo kung anong nangyayari." galit na sabi niya.

"This is not the right time para magsisihan. It already happened! May magagawa pa tayo and that's to save ourselves from this situation." Natasha said.

Nagpapalipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang tatlo. Unti unting nagflashback sa isip ko yung eksena nung umagang lumayas ako sa bahay namin. It was just like this. Nagsisigawan sila dahil hindi sumasang ayon si Raven na isali ako sa Serpents. Iba nga lang ang dahilan ngayon, nagsisigawan sila dahil hindi nila alam ang gagawin.

"Tama si Natasha, Raven. Ang tamang gawin ngayon ay umisip ng paraan." sabi ni Papsy.

"How?" halos walang boses na tanong ko, tumunog muli ang computer ni Papsy at nagmadali ako para tingnan yun.

It was an email from an unknown person. Ang nakalagay sa message ay

.

.

.

.

.

.

.

.

Can't wait to see you Red. Meet me at the Serpent's server room. We need to end this. It's either I'll kill you or you'll kill me.

Shadow X__X

- - - - - - - - - - - - - - -

Guys, ito na ang update. Gusto niyo na bang makilala si Shadow? Malalaman na natin kung sino siya sa susunod na chapter.

Salamat sa suporta.

_chase

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon