Scene 11

13.8K 359 28
                                    

Halakhak ang sunod na ginawa niya pagkatapos niyang ngumiti. Aba! Akala niya siguro nagjojoke ako!?

" Bakit ka natatawa? " curious na tanong ko sa kanya kaya napatigil siya sa pagtawa pero halatang pinipigilan lamang niya.

" Nakakatuwa kasi ang tanong mo? Grim Reaper? Seryoso ka? " tanong niya sa akin and this time ako naman ang natawa.

Feel ko lang tumawa..

" Natural O.A lang ako. Nakakaloko kasi yung pa mysterious effect mo, ang kwento sa akin ni Nat hindi ka daw nakikihalubilo sa iba, hindi ka.rin daw tumatawa, hindi raw ikaw ang nagsisimula ng converstion sa ibang tao, pero lahat yun kabaliktaran ng ginagawa mo ngayon. " mahabang sabi ko

Nagtataka kayo kung kailan ko nalaman ang mga yan noh? Naalala niyo nung nakasalubong ko siya nung pinakilala ako sa organization? After nun, hinanap ko agad si Natasha at nagpakwento tungkol sa ugali at hotness ni Soul. Wahaha

" Hindi ba pwedeng minsan iba naman ung ugali? " malungkot na sabi niya kaya pumilit ako ng tawa to lighten up the mood.

" Pwede naman pero baka mapagkamalan kang bipolar niyan. Bakit mo nga pala ako inaya magkape? " tanong ko sa kanya.

Siyempre, mabuti na yung alam ko ang dahilan kesa nag-iimbento ako ng kung ano ano sa utak ko. Baka kung anu ano ang iniisip ko gaya na lang ng type niya ako,may gusto siya sa akin or anything like that. Ayokong matawag na ASYUMERA! Ang CHEAP hah.

" Wala naman napansin ko.si yung tingin sayo nung mga tao sa building, baka kailangan mo ng kausap o baka gusto mong magkwento tungkol sa nangyari sa assignment niyo? Parang ang lalim kasi ng iniisip mo " tanong niya kaya nagkwento naman ako.

Pero hindi ko naman binanggit yung mga kakaibang nagawa ko, like palikuin yung bala. That would be totally weird, right? Nung nabanggit ko yung kay Babalu ay nagulat siya na yun ang first time kong makapatay. Tawa siya ng tawa nung naikwento ko ang tungkol sa paglagay ko ng alcohol sa sugat ni Raven. Pagkatapos kong magkwento ay nagsalita na siya.

" Ahh, ganun pala ang mga nangyari, " sabi niya sabay tingin sa orasan niya " It's already 9 am, I think you need to rest " pagpapatuloy niya sa kanyang sinasabi.

Tumango naman ako at tumayo na para lumabas, pagkalabas namin ay papara na sana ako ng taxi pero pinigilan niya ako.

" I'll give you a ride " sabi niya sa akin kaya wala naman akong nagawa kundi sumunod na lang.

Habang nasa magarang kotse niya kami ay walang nagsasalita, sa bagay tahimik naman talaga si Soul. Sinabi ko lang sa kanya kung saan ako nakatira at hinatid na niya ako.

Pagkarating namin ay ipinagbukas niya pa ako ng pinto ng kotse niya, inaya ko pa siyang pumasok ng bahay pero hindi siya pumayag.

" Mainit ang dugo sa akin ni Raven and you really need to rest. " poker face pa rin na sabi niya kaya sumang ayon na lang ako at pumasok na sa gate namin using the passcode, umalis na rin si Soul at sakto namang bungad sa akin ni Raven na nasa pintuan.

" Imbis na nagpahinga ka na, nakuha mo pang makipag kapehan sa lalaking yun. " galit na sabi ni Raven.

" Imbis na nagpahinga ka na, sinesermonan mo pa ko? " balik ko sa kanya kaya natahimik siya.

Dumiretso ako sa kwarto ko pero bago pa ako makapasok ay nagsimula ng tumili ang babaeng nakalunok ng megaphone.

" Tama ba ang nakita ko na hinatid ka ni mysterious hot guy? " tanong niya sa akin.

" Oo " sagot ko sa kanya at natawa siya, umiling iling, tumango tango.

Napaface palm ako, malala na talaga si Natasha.

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon