Scene 14

13.2K 324 26
                                    

Hindi namin alam ni Raven kung paano magsisimula sa plano. Nakaalis na ang mga Abu Sayaf, bumalik na sila sa kampo nila at naiwan kami sa gitna ng bukid. Ang usapan ay magkikita na lang ulit dito pagkatapos ng dalawang araw nahiningi ko para magplano.

" Tawagan kaya natin si Papsy? " putol ni Raven sa katahimikan naming dalawa, sa unang pagkakataon ay sumang ayon ako sa kanya ng hindi siya binabara.

Kinuha niya ang cellphone niya at naglakad lakad para humanap ng signal saka nagdial. Ginamit niya ang speaker phone para marinig ko rin ang pag-uusapan nila. Mga limang ring ang inabot bago sagutin ni Papsy ang tawag.

" Hello? " halos bulong na sabi niya, nalulungkot ako dahil nagkakaganyan si Papsy.

" Sir P, this is Raven. May problema kami.and we need your advice. " sabi ni Raven, pormal ang pakikipag usap niya kay Papsu kapag nasa trabaho.

" Go on. " sabi ni Papsy para ipagpatuloy ni Raven ang pagsasalita pero inagaw ko ang cellphone sa kanya para ako ang kumausap kay Papsy, hindi naman siya umalma.

" Pinapapatay nila ang presidente ng bansa kapalit ang kaligtasan ni Natasha. " sabi ko na may halong pagkairita sa boses. Until now, I find the request so absurd. Parang nagtrip lang yung mga sira ulong Abu Sayaf na ipapatay ang presidente ng Pilipinas.

" We can't do that. Kill them. " maiksing sabi ni Papsy sa kabilang linya, at kahit na ang ikli nun ay nandoon na lahat ng sagot kung anong dapat naming gawin.

We can't kill the president and we need to make up something that can save our lives so our only choice is to kill them.

Sinabi ko naman na hindi ko gustong pumatay pero kapag ganitong usapan na. The heck! Patayin ang dapat patayin!

" Red, I know you can do it kahit na marami sila, you have Raven, he can help you " he simply said and he ended the call.

Ako? Ako na naman ang bahala? Noong huling misyon parang ganoon rin yung nangyari? Yung nawalan ako ng choice so I took the responsibility. Bago pa ako tuluyang maurat ay tiningnan ko na si Raven with killer glares.

" Ang sama mo makatingin. " sabi niya sa akin but before I answered him, isa isa kong nilabas lahat ng weapons na nasa damit at katawan ko. 

" Huwag kang tatanga tanga hah? Gumamit ka ng utak ngayon, huwag lang padalos dalos kasi si Natasha to, hindi ka lang basta inutusan pumatay ng kung sino. " sabi ko kay Raven, para akong nanay na pinapangaralan ang shungang anak.

Nakinig naman siya sa akin.at ginaya niya ang ginagawa ko, nilabas niya rin ang mga weapons na nakatago sa sapatos, sa bulsa, sa beywang at sa kung saan saan pa. Just like me, may dala siyang butterfly knives, probably for Natasha and may dala dala rin siyang parts ng baril. I picked up one of them.

" Ano to? " tanong ko pero hindi niya ako sinagot, he grabbed the item in my hand and assembled the gun.

" Wooooaaah " sabi ko nung natapos niyang pagsamasamahin ang hiwahiwalay na parte ng baril.

M16? Paanong niya naitago ang parts ng M16 sa katawan niya? I mentally slapped myself.

Shunga! Trained agent yan, alam niya yung mga ganyang bagay. sabi ng galing galingan kong utak.

" Isa lang yan? " tanong ko sa kanya, siyempre baka dalawa kasi may nireserve siya sa akin.

" Oo " maiksing sagot niya kaya napasimangot naman ako. Tanga talaga to, sarili lang ang iniisip.

" Tss... Sana naman sinabihan mo ako na ganyan ang gawin di ba? " sabi ko sa kanya.

" You don't need something like this, you can kill them with your hands. " exaggerated na sabi niya.

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon