Chapter 35

242K 3.2K 564
                                    

Eh bakit ba kasi mahal na mahal ako ng readers ko? Natutuwa tuloy ako! Wahaha. Ang babait niyo promise! Nagte-take time talaga kayo para i-message ako! You guys always made my day! Kapag nababasa ko yung mga comments niyo, napapa-smile din ako kasi napapasaya ko kayo! Tayayayaya!

#PrincessAndI - Ayeh! Team MiGi FTW! Shemay lang! Kinikilig ako sa kanila <3

---------------------------------------


Chapter 35


Daniel's POV


Kumunot yung noo ni Kath tapos nakatitig pa rin siya dun sa lalake. Putek, HELLO? May tao dito? May poging lalakeng nandito sa tabi mo? Ako na lang titigan mo, mabubusog ka pa. Haha.


"Ahhh..."


Dug. Dug. Dug. Dug.

>_<


Bakit ba ko kinakabahan sa sasabihin ni Kath?


"Sorry pero hindi kita kilala"

Parang gusto kong tumalon sa sobrang saya! Hahahaha.


"Ha? Pero kath, ako toh! Si----" Magsasalita pa siya pero tinigilan ko na siya. Sinungaling eh!


"Pare pwede ba? Tigilan mo na yang pagsisinungaling mo. Kung may gusto ka sa kanya, wag yung kailangan mo pang magsinungaling para makilala ka nung tao"


Ang sama ng tingin sakin nitong lalakeng ito. 

Aba, kapal niya ah. Siya na nga yung may mali, siya pa yung magagalit. 

Ano ba gusto niya? Sapakan na lang oh!


"Bakit ba kung umasta ka ay boyfriend ka na ni Kath? Bakit kath, siya na ba yung pinalit mo sakin?"


Takte.

Napatitig ako kay Kath nung sinabi yun nung lalake. 

Akala ko ba hindi kilala, eh ano yung sinasabi nitong bwisit na lalakeng ito?


"Pwede ba! Wag kang gumawa ng istorya. Hindi kita kilala at wala tayong nakaraan" Sumbat ni Kath.


Ayun naman pala eh.

Ano ba yan! Kumukulo dugo ko dito eh! Onti na lang, masasapak ko na talaga siya.


Inakbayan ko na si Kath tapos tumingin ako dun sa kaharap ko.


"Tol', tigilan mo na kami. Kung sa tingin mo, uumbra yang ginagawa mo para mawala ang concentration ko sa laro, nagkakamali ka kasi tatalunin pa rin kita" Napansin kong kumunot yung noo nung lalake tapos tumingin ako kay Kath.


"Tara na babe, ang sama na ng hangin dito. Kapag hindi ako nakatiis, lilinisin ko na yung mabaho sa paligid katulad nung IBA diyan"

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon