Chapter 36

255K 3.2K 510
                                    

Chapter 36


Kathryn's POV


Tahimik lang kami ni Daniel sa loob ng car niya. 

Parehas lang kaming nakikinig nung music...


Bigla kong naalala si mama. Kailangan ko nga pala magpaalam sa kanya na baka gabihin ako sa mall. Sasabihin ko na rin na may celebration kasi ng pagkapanalo ng varsity sa game 1 kanina.


After texting my mom, naalala ko na naman yung lalake kanina. 


Sino ba talaga yun? Yung pananalita niya, familiar. Pero yung mukha niya, hindi masyado.

At ano yung sinasabi niyang may past kami? Siguro nga naka-drugs yun.


"Aish, kath wag ka namang ganyan"

Nagulat ako bigla nung nagsalita si Daniel. Syempre ang tahimik tapos bigla-bigla na lang siya sisigaw.


"Eh ano bang ginagawa ko?"

"Yun nga eh. Wala. Wala kang ginagawa. Napakatahimik mo...ano bang iniisip mo?"


(-_-)

Si Daniel talaga. Hindi pwedeng hindi ako mapansin.


"Wala"

"Sus. Ako pa niloko mo. Ano nga yun?"

"Ang kulit mo DJ. Wala talaga...siguro gutom lang kasi ako"


Honestly, medyo gutom na nga ako.

Wala pang merienda eh.


"Sige, libre kita later"


^_^

Bigla akong napangiti dun. Ahehe. Abay, natuwa lang ako!


"Basta wag kang manahimik diyan" Asar ni DJ.

May pahabol pang pangasar eh! Hehe.


"Whatever"


Ayun. Usap lang kami ng usap ni Daniel ng kung ano-ano. Di na nga kami nawalan ng mapapagusapan. Tapos tawa pa kami ng tawa.


Pagdating sa mall, di pa rin kami tapos magusap. Hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng mall, ganun pa rin.


"Tignan mo yun. Yang naka-red na shirt at red na lipstick. Naging girlfriend ko yan" Tinuro pa ni DJ yung babae. Oo may itsura, tadtad kasi ng make-up.


"Wala kang taste" Tawa kami ng tawa kasi mukhang bakla yung babae.

"Dati oo, pero ngayon meron na. Kaya nga nagustuhan kita, ganda mo eh" Tapos inakbayan ako.

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora