Chapter 24

292K 4K 927
                                    

Thank you sa mga nag-comment at nag-vote sa chap 23! Super natutuwa ako kasi 58 comments kaagad.

Lapit na pala mag40K! Super ang saya ko! Haha.

Yung video sa multimedia sa gilid, gagamitin po for this story. I made the video myself :D

Oh sige na, tama na daldal ko. Ito na ang update na hinihintay niyo! Mahaba talaga yan para wag kayong mabitin!! Enjoy reading!! <3


----------------------------


Chapter 24


Kathryn's POV


Habang nagbe-breakfast kami, bigla kong naalala yung dapat kong sabihin kay mama.


"Mama, okay lang ba na sumama ako sa outing ng barkada?"


"Sus. Sasama ka lang sa outing nyo ng manliligaw mo. Wait, sino dun sa dalawa? Hahaha" Asar ni Kuya. (-_-)


"Kausap ka? Mama na pala pangalan mo ngayon" Si Mama tumawa.

"Haha, pikon. Dali mo naman maasar" 


Kaya siguro nagkakasundo si DJ at si Kuya, parehas silang nakakabwisit.


"Kailan ba yang outing niyo?" Tanong ni Mama.

"Mamayang gabi po"


Yung totoo, nakaempake na ako. Ayos na mga damit ko at gagamitin ko. Haha, kasi gusto ko talagang sumama.


"Ayos ah. Magpapaalam kung kelan yung araw ng outing" Bulong ni Kuya.

"Mamayang gabi? Anak may event ka mamaya"


Oo nga ma. Alam ko po yun. Syempre. Duh.


"Oo nga mama. After nun, diresto resort na po kami"

"Sino mga kasama mo?"

"Sila Julia, Zharm, Bea, Sofia, Albie, Diego, Jake, Khalil and Daniel"


Si Kuya tawa ng tawa nung sinabi kong khalil and Daniel. Baliw!


"Wala kayong kasamang matanda?" Tanong ni mama.


"Ma, malalaki na kami. Besides, 3 nights and 2 days lang po kami. MA SIGE NA PLEASE!!!" Tapos nag-smile ako ng todo! Haha yung kita yung ngipin ko.


"Hindi ka ba mapapagod nun? After ng event, swimming kaagad?"


Si Mama naman! Ang daming tanong! Oo lang sasabihin, di pa magawa. Okay ang bad ko. T_T


Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon