Chapter 6

385K 5K 515
                                    

Chapter 6


Kathryn's POV


Grabe talaga yung si Daniel. Feeling gwapo! Sabihan ba naman ako naiki-kiss nya daw ako kung ita-try kong tapakan paa niya. Nakakainis!!! Tapos hindi pa siya natakot na ipagkakalat ko yung nangyari. So what? Official girlfriend niya kasi yun? Baka naman alam na ni Bea...


Tama, kay Bea ko sasabihin. Para mag-away sila ni Daniel. Diba girlfriend ni Daniel si Bea?? Haha.


Pumunta na ko sa next subject ko. Classmate ko sila Albie and Bea. Pero dahil ang daldal ng teacher at malayo ang seat ni Bea sakin, hindi ko masabi yung tungkol kanina. Ang bilis nya pa nawala nung naglabasan na sa classroom.


Sumunod na subject ko, lahat kami nandun. Buong barkada ni Zharm. Ang astig pa, lahat kami...nasa may back part. Nahalata ko lang, parang kinatatakutan itong mga ito. Para bang sila yung mga hari at reyna ng school. Well dahil siguro friends sila ni Daniel.


Nakaupo sa harapan ko si Bea. This is it. Time to get my revenge to Daniel. Tapakan kasi paa ko!

Nagsulat ako ng letter.


Bea, may kasamang girl si Daniel kanina. Cheerleader. Nakita ko hinawakan niya yung kamay ni Daniel. Looks like someone wants a war.


Ayokong malaman ng iba tungkol dito. Kaya nung nagtawanan sila dahil sa joke ng teacher, kinalabit ko siya agad at ibinigay yung letter.


"WHAT?" Biglang napasigaw si Bea at lahat kami nanahimik.

"Totoo toh?" Tanong niya.

"Oo" Sabi ko.

"ARGH!" Biglang lumabas si Bea at lahat sila, nagulat.


Dahil nga girlfriend ni Bea si Daniel, parang treated na rin siya na hindi pinapakielaman.

Yung teacher namin nag frown pero tumuloy ulit sa joke niya.


Haha. Lagot ka ngayon Daniel Padilla. Two-timer ka kasi!


Daniel's POV


Nagising ako bigla when i heard my telephone ringing.

Sino ba tong istorbo na toh?


"Hello?"

"Young master, Bea binene wants to talk to you"


Bigla ako napa-upo.


"Huh? Si Bea? Bakit daw?" Sabi ko.

"She won't tell me young master but she's crying"


"Papuntahin mo dito sa kwarto ko"


Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon