Chapter 26

262K 3.5K 380
                                    

Chapter 26


Day 1

Julia's POV


Ang aga-aga kong nagising. Ewan ko ba, lahat siguro kami excited kasi. Si Bea nagsha-shower na kaagad, si Zharm nakabihis na.

Si Sofia? Ayun. Naginarte kagabi. Gusto niya raw ng sariling room kaya hindi na namin siya pinilit matulog kasama namin. Ayaw rin naman namin siyang kasama.


"Si Kath?" Tanong ko kay Z. Napansin ko kasi na wala siyang text or kahit na ano.


"Ewan" Inayos niya yung mga curtain para makita namin yung view nung lugar. Glass wall kasi yung nandyan sa gilid kaya kitang-kita mo talaga yung ganda ng lugar.


"WOW" Sabay pa namin nasabi kaya natawa kami.

"Huy JULIA, LOOK!" Halos mapasigaw din ako nung biglang sumigaw si Zharm at hinila ako.


"Teka teka, ano ba yun!"

Tinuro niya yung kotse dun sa may baba. Kahit na nasa 7th floor kami, nakita pa rin talaga ni Zharm yung kotse.


"Oh tapos?"

"Baliw! Kotse yan ni Daniel"


*Click*


Oo, nagclick lahat sa utak ko.

Kung nandito na si Daniel, ibig sabihin, nandito na rin si Kath.


At naalala ko bigla, magkasama sila magdamag kagabi. Kasi nga nauna na kami tapos silang dalawa, pumunta pa sa bahay ni Kath.


AWWWW!

Ang bestfriend ko, magkakaroon na ng lovelife!


*tok tok*


Tumakbo kaagad si Zharm para buksan yung pinto.


"Pwede kay Julia" Automatic akong napatingin sa salamin nung narinig ko yung boses na yun.

"JULIA!!! SI ALBIE!!!" Sigaw niya.


Okay. Mukha naman akong maayos.


Dali-dali akong naglakad papunta dun sa pinto, si Zharm iniwan kami kaagad. For sure, aasarin ako niyan mamaya.


"Oh, bakit?"

"Uhmmm" Parang nagisip bigla si Albie.


0_o

Pupunta siya dito pero hindi niya alam kung bakit?


"Huy!" Natawa ako nung hindi pa rin siya nagsasalita.

"Ano kasi...uhmm...gusto ko lang makita ka"

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon