Chapter 25 ♥ Supermarket

200K 3.5K 651
                                    

Janna POV 

Parang tumigil ang ikot ng mundo ko dahil sa sinabi ni Adrian. 

Anong ibig nyang sabihin? Stay together? Today? Oh my God. I don't know kung ano ang dapat kong reaksiyon. 

"What I mean is, stay here at my place. Let's have bonding with each other. Let's cook cookies. And many more. Para mawala sa isip mo ang problema kahit papaano."

Napangiti ako. Concern talaga saken si Adrian. Bet ko yung sinabi nya. Syempre, gugustuhin kong makasama sya ngayon. 

"O-okay."

"Supermarket tayo? Let's buy some stuff." Yaya niya. 

"O-Oo sige." Sagot ko. Mukhang masaya 'to. We'll be together sa supermarket. Yay! Parang couple lang. 

Tumayo na si Adrian. "Let's go."

Tumayo na rin ako. Sinuot ko muna yung heels ko saka kinuha ang shoulder bag ko. 

"Iwan mo na ang bag mo." Aniya. 

"Eh?"

"Ako na ang bahala. Wag ka ng magdala ng kahit ano. Puso mo lang sapat na. Haha."

=_=

Anong nakain ni Adrian? Joke ba yun o banat? "Oh sige." Pinatong ko sa couch yung bag ko. Ayos na yan. Iwan ko daw eh. 

Lumabas na kami ng unit nya saka sumakay sa elevator pababa sa parking area ng building. 

Then pagsakay namin sa kotse, pinaandar na ni Adrian. 

"Janna.."

O_O

Bakit ba palagi akong nagugulat 'pag tinatawag ako ni Adrian? Nemen. Napaghahalatang inlove ako sa kanya eh. 

"Hm?"

"Ano bang english sa mahal kita?"

Bakit naman nya tinatanong? "Huuh? Ano, I love you."

"I love you too."

=___=

Yung ngiti ni Adrian, parang ewan. Naisahan nya ako don. Ang slow ko bigla ha. "Psh."

"Hahahahaha."

Hala. Tawang-tawa talaga siya. Hindi nalang ako nag-react kasi deep inside, kinilig din naman ako. Haha. Pakipot kunwari. 

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon