Chapter 23 ♥ Beta Gang

198K 3.1K 594
                                    

Adrian POV

Kanina pa'ko palakad-lakad dito sa loob ng hospital room kung saan nakahiga si Shaina. Ba't ba siya nahimatay? Tch. 

Ang totoo nyan, nababadtrip ako sa inaakto niya lalo na dahil sa paghalik nya saken kanina. 

"A-Adrian.."

Napalingon ako nang marinig ang boses na iyon. Gising na pala sya. 

"How are you?"

"M-Medyo masakit lang ang ulo..asan ako?"

"Hospital. Nahimatay ka kanina." Sagot ko. 

She looks pale. Wala pang result yung pagchecheck-up ng doctor kaya hindi ko alam kung napano sya o anong sakit nya. 

"Ugh."

Nilapitan ko siya ng tangkain nyang bumangon. "Dahan-dahan.."

"Thanks." Nakangiting sabi nya. "A-Adrian, pwede mo na akong ihatid sa condo ko."

Ano pa nga bang gagawin ko? Tch. Kung hindi ko lang siya childhood friend, baka hindi ko na sya pansinin pagkatapos ng ginawa nya kanina -- yung pag-amin niyang mahal nya ako at paghalik niya saken. 

Ayokong umasa sya. Ayokong pagbigyan sya sa gusto niya. Dahil may iba akong mahal. 

--

Janna POV

Tumatawag si Adrian kanina pero hindi ko talaga alam kung sasagutin ko o hindi. Pakiramdam ko kase, once na sagutin ko yung phone call niya, nagtataksil na ako sa fiance ko. 

Nakokonsensya na nga ako dahil nagagawa ko pa ring makipagkita kay Adrian kahit may fiance na ako. 

Hindi mawala-wala sa isip ko yung confession na ginawa ni Ace last night. Yung kiss..

>,<

Nahihiya ako sa sarili ko kapag naaalala ko yun. Ano ba yan! Bakit ang lakas ng epekto saken ng halik nya?

Krrinnngg..

Si Adrian na naman siguro ang tumatawag. Gusto ko siyang iwasan, yun ang sabi ko kay Ace pero hindi pa ako gano'n kasigurado kung magagawa ko yun lalo na at sa iisang university kami nag-aaral. Magkasama rin kami sa room at worse, nagkakatabi pa kami. 

Ace calling..

Si Ace pala. Waaa! Bakit..

Dug, dug..

Dug, dug..

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon