Chapter 18 ♥ Spade Bar

241K 3.5K 501
                                    

Janna POV

Dalawang araw na ang lumipas. Hindi ako pumapasok sa SWU. Dahilan? Dahil ayokong makita sinuman kina Adrian o Ace. 

Kahapon, nagpunta raw dito si Ace. Instruction ko naman sa mga katulong na 'pag dumating si Ace o Adrian, sabihing may mahalaga akong lakad.

Alam kong mali na iwasan sila. Si ace, fiance ko. Si Adrian naman, kaibigan ko. Pero naiipit kase ako sa kanilang dalawa. Nag-aaway at nagkakainitan sila dahil saken. 

Ano bang dapat kong gawin? 

"Problem little sister?" Tanong ni Raven. Kauuwi nya lang galing school. Andito ako salas at nanonood ng..ano ba? Wala. Palipa-lipat lang ang channel ng TV dahil wala ako sa sarili ko. Kanina pa pinupuno nina Ace at Adrian ang isip ko. 

Umiling ako. Nung una, balak kong sabihin kay Raven 'yung tungkol sa pag-aaway ng dalawa. Kaso bigla naman akong nagdalawang-isip kaya 'di ko nasabi. 

Sabihin ko na kaya? Kase talagang malapit na'kong matulala forever 'pag hindi pa 'to nagawan ng solusyon. 

"Raven.."

"Yes little sis? I know you're not fine. Tell me, what's bothering you?"

Wala na akong choice. I need to tell him. "It's about Ace and Adrian."

Naupo siya sa tabi ko dito sa couch. "Ma'men! Dalawang lalaki ang pino-problema mo Janna Ruiz?" Parang nagulat pa siya sa tono ng pananalita niya. 

=_=

I showed him my poker face.

"Wag kang gumanyan little sis. Hindi bagay sa'yo. Mukha kang ewan." Puna niya. 

"Kasi naman Raven, pwede mo naman tanungin kung anong meron sa dalawa." 

"Okay. Tell me, anong meron sa dalawa? Isa sa kanila, bakla? Bromance ba 'to? May tinatago silang relasyon na hindi mo matanggap kaya nagpapaka-bitter ka dito sa mansyon at dalawang araw ka ng absent?"

=____=

"Raven pwede ka ng maging writer." Sarkastikong sabi ko. 

"Oh bat napunta dyan ang usapan? Alam kong magaling ako at mat---"

"Sa galing ng imagination mo, nakakabuo ka ng mga imposibleng istorya. Psh." Putol ko sa sinasabi niya. Kahit kelan talaga, laki ng pagka-bilib sa sarili niya eh. 

=_=

"Oh ano ba nangyari? Wag kang pabitin. Isang bagsakan agad."

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon