Chapter 29 ♥ Amnesia

198K 3.6K 472
                                    

Adrian POV

Hindi ko alam kung dapat ko bang sundan ngayon si Janna. Nagsisi ako bigla na tanggihan sya. Pero hindi ko naman siya mapagbibigyan sa gusto nya. Sa ngayon, hindi ko pwedeng iwan si Shaina. Kailangan nya ako. 

Krrinnggg..

Umupo ulit ako sa sofa. Saka tiningnan kung sinong tumawag. 

Shaina calling..

I answered her call. "Yes?"

"Adrian, samahan mo ako dito sa unit ko please.."

Tch. Ano pa nga bang magagawa ko. Di ko naman siya matatanggihan. "Okay."

*toot toot*

Kinuha ko lang ang susi ng kotse ko saka umalis na. Baka pala mamaya hindi nun iniinom ang gamot non. 

Pagbaba ko ng lobby napansin ko ang mga staff dito na parang nagkaka-ingay. 

"What's the commotion here?" Ma-awtoridad kong tanong. Ako naman ang tinuturing nilang boss dahil pag-aari ng pamilya ko ang building na'to. 

"Sir! Kakauwi ko lang kasi. Yung babaeng madalas nagpupunta dito. Nadaanan ko don sa may crossing. Na-aksidente ho. Napatigil nga ako. Duguan sya at nagkakagulo na---"

Fvck. Hindi ko na pinatapos ang kwento ng isa sa staff don. Tumakbo na ako pasakay ng kotse ko. Babaeng madalas pumunta? Maaaring si Janna yun dahil galing sya dito. Damn it. Hindi pwede. 

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko at nang makarating ako sa crossing..

FVCK. May mga pulis na dito. Iniimbestigahan ang nangyaring aksidente. 

"Manong nasaan ho yung naaksidente?" Tanong ko sa MMDA sweeper na nasa tabing highway lang. 

"Yun ho bang babaeng may-ari ng kotseng ire? Aba nako! Kawawang bata. Ke-ganda-ganda! Mukhang mayaman pa! Malaking truck ang nakabanggaan. Hayun isinugod doon sa MCU."

"Salamat ho."

Mabilis ko na ulit na pinaandar ang kotse ko. Damn it! Paano sya naaksidente? Ano bang nangyayari kay Janna? 

Nang makarating ako dito sa MCU ay sumugod ako sa information desk. "Saang room si Janna Ruiz?" Tanong ko. 

"Nasa emergency room pa ho sa 3rd floor."

Shit! Napatakbo ako sa elevator then bumaba din ng 3rd floor. Doon nakita ko ang kapatid ni Janna at fiance niya. 

"Damn you!"

*booogsh*

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon