[42] The Grand Alumni Revelation

52K 1K 532
                                    

[42] The Grand Alumni Revelation

#LLWCMCG

----------------------

"Mommy you look like a zombie again. You are scary!"tumingin ako sa anak ko.

"Really? Zombie?"unti-unti akong lumalapit sa kanya. Mukhang nararamdaman niyang may balak akong kilitiin siya kaya umaatras siya sa kama.

"Mommy no! You're creepy!"sabi niya habang nagmamadaling makaalis sa kama.

"Kanina zombie ngayon naman creepy?"mabagal akong naglalakad sa kanya. Halata sa mukha niya ang takot na baka makiliti ko siya. Malakas kasi ang kiliti niya sa tagiliran niya. Isa sa mga namana niya sa akin.

"No I'm just joking!--Mommy!"napahiga siya sa carpet nang mahuli ko siya at nakiliti. Pagulong-gulong kami doon habang gumagawa siya ng paraan para maalis niya ang kamay ko.

"Mommy ko stop na po. I can't take it."huminto na ako at tawa ako ng tawa dahil namumula na ang anak ko at naghahabol ng hininga pero natatawa din siya.

Niyakap niya ako bigla at kiniss sa cheek.

"Mommy kahit you look like a zombie or a creepy mommy, you will always be a very beautiful mother in my eyes."hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya. Siya talaga ang nakapagpapagaan sa akin kapag nararamdaman kong ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Na sa paggising ko sa umaga, makita ko lang ang anak ko, napapawi panandalian ang sakit na nararamdaman ko.

Nakakatuwa lang na sa araw-araw na gigising siya at makikita niya ang mga mata kong namamaga, hindi niya nararamdaman ang sakit. Kapag kasi nakikita niyang ganito ang mga mata ko, ang dinadahilan ko na lang ay kulang ako sa tulog.


Alam ko darating ang araw na malalaman niyang hindi sa kulang sa pagtulog ang dahilan sa pagiging ganito ng mga mata ko kundi ang sobrang pagluha ko. Pero sa ngayon, ayokong may alalahanin muna ang anak ko. Ayokong habang lumalaki siya at nagkakaroon na ng kamalayan sa mga nangyayari, puro masasamang bagay ang alam niya at nakikita niya.

I want him to grow up with happy memories that will give him something to hold on in life. Something happy that he can tell his friends.

Lumabas na kami ng kwarto. Dito na kami nakatira ngayon sa bahay na ipinagawa namin habang nasa States kami para in case na babalik na kami dito sa Pilipinas, may matitirahan kami.

Nadatnan namin si Van na inilalapag ang niluto niya. Lumapit siya sa amin. Nakipagbro fist ito sa anak ko at binuhat siya. Hinalikan naman niya ako sa pisngi at inaya nang kumain.

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam ang anak ko na maglalaro lang daw siya sa play room niya kaya naiwan kami ni Van sa sala.

"Umiyak ka na naman. Sabi ko naman sa'yo, 'wag mo nang pigilang gawin ang dapat."

"Hindi ko kayang i-risk ang lahat para sa kasiyahan ko."

"Hindi mo lang kasiyahan iyon, JanJan. Kasiyahan ng lahat lalo na ang kalayaan diyan sa puso mo."

"Nakakatakot, Van. Paano kung handa na ako pero huli na ang lahat?"hinawakan ni Van ang dalawang kamay ko at pinaharap ako sa kanya.


"Atleast nagtry ka. Mas mahirap kung sumuko ka nang hindi man lang nalalaman kung may pag-asa pa."


"Paano ka?"nag-aalalang tanong ko.

"Daming babae diyan sa labas. Kahit hindi ako maghanap, mahahanap nila ako."

"Yung seryoso."bumuntong hininga siya at binitawan na ang mga kamay ko at sumandal sa couch.

"Alam mong masaya akong maging masaya ka at alam mong hindi iyan ang iniisip ko ngayon. Ang focus ko ngayon sa buhay ko ay ikaw at anak nating si Than."niyakap ko siya.

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon