[4] Relationship Status.

166K 1.4K 155
                                    

[4] Relationship Status.

      Sumakay na kami sa kotse ni Kiejan. Sumabay sa amin sina Mich at Marco. Pupunta kasi kami sa bar ngayon pero dahil biglaan ang pagpunta namin, hindi nagdala ng kotse si Marco.

   Nang makadating na kami, kakaunti pa lang ang mga tao. 3:27 pa lang naman kasi. Hindi pa talaga uwian. Maaga lang kaming pinauwi dahil wala naman kaming gagawin na sa campus. After kasi ng second subject, wala ng klase.

   "Nandito na sila." napunta sa amin ang tingin ng barkada. Umupo ako sa tabi ni Yhanna. Si Kiejan naman umupo sa kabila ko.

   "May hihintayin lang tayo bago tayo umorder." sabi ni Zac. Sino naman ang hinihintay namin? Kumpleto na kami ah?

   "Sino naman?" tanong ni Charles. Ngumiti lang si Zac at ibinaling ang tingin sa akin. What was that? Parang kinabahan ako bigla sa pagtingin niya sa akin.

   "Jan, kaklase mo daw si Nate?" tanong sa akin ni Mich. Tumango ako. Naikwento siguro nila Ren.

   "Nagulat nga ako. Business ad. ang course niya tapos napunta siya sa deparment namin. Dapat ay kaklase niyo siya, right?"

   "Oo nga. Nagulat nga din daw sila Marco. Wala naman daw kasi silang naging balita kay Nate. Nagulat na nga lang daw sila na bumalik na siya."

   "Hindi nila nakakausap?"tanong ko. Akala ko kasi tinatago lang nila sa akin para maiwasan ko dati.

   "Hindi nga din ako naniniwala dati eh. Kaso talagang wala daw silang alam. Ewan ko lang kay Zac." Tama si Mich. Kahit ako nagtataka kay Zac kasi kung nawala si Nathan dati, siya naman ang pilit na hindi pinapalimot sa akin si Nathan.

   "Alam mo, nagtataka talaga ako kay Zac. Minsan kasi napakamisteryoso ng sinasabi niya na para bang may alam siya."

   "Alam saan?"

   "Sa pagbalik ni Nathan."

   "They're here!" umayos ako ng upo at tinignan ang mga paparating.

   "Nathan!" nagsitayuan ang mga boys maliban kay Kiejan at lumapit kay Nathan. Iba sa kanila nagmanly hug at yung iba naman nakipagbro fist.

   "Care to introduce this beautiful lady?" sabi ni Charles. Gagawa pa ata ng moves itong si Charles.

   "Ella."

   Ganoon pa din si Nathan. Cold as ever. Poker face.

   "Sissy si Ex oh."ngumiti na lang ako. Hanggang ngayon ex pa rin talaga ang tawag ni Yhanna kay Nathan tuwing pag-uusapan namin siya.

   Umupo na ulit ang mga boys pati ang dalawang bagong dating. Nakaupo si Nathan sa harap ko katabi yung Ella.

   It's too awkward in my position. Nathan keeps on staring at me and it is kinda awkward because even Ella is doing the same thing.

   Bakit ba nakatingin sila sa akin?

   Marco and Mich are hitting the dance floor with Yhanna and Kuya Jop while Ren, Jin, Luke and Charles are looking for a chic. Nagiging playboy na din ata kapatid ko ah.

   Zac, Nathan, Ella, Kiejan at ako ay nakaupo pa din. Seriously, gusto ko ng makawala dito.

   "JL, sayaw tayo?" bulong ni Kiejan sa akin. Thank God! Makakaalis na din ako dito. Tumango agad ako at tatayo sana kami kaso pinigilan kami ni Zac.

   "San kayo pupunta?"

   "Where are you going?" tanong din ni Nathan.

   "Paki mo ba?" sagot naman ni Kiejan. Nakayukom na ang kamay ni Kiejan. Nagpipigil na lang siya.

   "I care for her not for you bastard. Where will you bring her?" sabi ni niya.

   "Magsasayaw lang kami." Sabi ko.

   "Jan, sayaw muna kayo ni Nate. Marami pa naman kayong time ni Kiejan magsayaw mamaya." Sabi ni Zac sa akin. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Kiejan. Hindi siya payag sa sinasabi ni Zac.

   "Ayoko eh." sumama ang tingin ni Nathan kay Kiejan. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Kiejan.

   "Woah, guys take it easy." sabi ni Marco. Nagsilapitan sila ng makitang nag-iiba na ang aura sa pagitan naming dalawa. Guys, help me.

   "Nate calm down." sabi ni Ella.

   "Kiejan bakit ba buntot ka ng buntot kay Jan?" sabi ni Zac. Lalo lang pinapalala ni Zac ang mga nangyayari. Lalo lamang humihigpit ang hawak sa akin ni Kiejan. Kailangan kong mailayo si Kiejan dahil baka kapag nagtagal pa kami dito, baka magkagulo.

   "Zac, tama na." pagpipigil ni Mich.

   "What? I'm just a curious friend." Pa-cool na sabi pa ni Zac. Nilagay ko ang kanang kamay ko sa magkahawak naming kamay. Hudyat ito na pinapahinahon ko si Kiejan.

   "Jan bakit pinigilan mo siya? Alam ko naming galit na siya dahil sa pagtutulak ko sa inyo ni Nate na magkabalikan." sabi ni Zac

   "Tama na Zac." Sabi ko. Hindi makapaniwala si Zac sa akin.

   "Bakit ba pinoprotektahan mo siya? Nandito na si Nate para sa'yo, Jan. Pinagsisisihan na niya ang mga nagawa niya. Kayo ni Nate ang dapat Jan. Kaibigan mo lang naman si Kiejan so please accept Nate again. Mahl na mahal ka niya." Pinigilan ko si Kiejan nang maramdaman kong tatayo siya.

   "Pre, tama na. 'Wag na tayong makigulo pa sa kanila."pag-aawat ni Marco. Kung alam ko lang na may mangyayari ganito, sana hindi na kami sumama pa dito. Matagal kong inayos ang buhay ko at ayoko na ng gulo. Sawang-sawa na ko sa gulo. Siguro ito na ang tamang oras para malaman nila ang totoo.

   "Kiejan is my boyfriend not my friend."

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon