[23] Afraid but Accepted.

118K 1.1K 230
                                    

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of this story : longlostwriter's stories

Jan:

"A success for our first day!"sigaw ni Luke.

Day 1 of our Foundation day is almost over.

Nagliligpit na kami ng mga gamit at nag-aayos na. Binigyan na lang ang bawat booth ng 1hour to arrange everything at pagkatapos, dapat nasa gym na kami.


"And to tell you guys, si Charles at yung partner niya sobrang daming nagbayad para magtagal sila sa loob ng booth. Isipin niyo yun, natalo nila ang mga fans nina Jan at Nathan?"sabi ni Ren. Habang nililista sa isang maliit na notebook ang mga funds na nalikom namin this day.


Totoo ang sinabi ni Ren. Madami din pala ang nagsasabing cute sila Charles together. Yung mga pka-pareho nilang I.T, bet din daw silang dalawa.


--+

"Okay, so today, you need to find your partners."sabi ni Mrs. Dizon, siya pala ang moderator ng foundation day namin ngayon.


"Sissy!"hinihingal na lumapit sa akin si Yhanna at Mich. Tinanong ko sila kung bakit at kung saan sila galing.


"Jan, pinuntahan kasi namin si Mrs. Dizon. Nalaman kasi naming hindi tayo pwedeng magsama sa tent dahil naiiba ang course mo sa aming dalawa ni Yhanna. Unfair daw sa iba kung papayagan tayo."paano na ako? Sino makakasama ko sa tent? Nakakailang naman kapag hindi mga kaibigan ko ang kasama ko. Kahit naman nakikipag-usap na ako sa mga classmates ko, hindi pa rin ako ganoon ka-close sa kanila para matulog katabi nila.


"Excuse me."tumingin ako sa babaeng nasa harapan namin.


"It's not that I like this but we can be partners."sabi ni Ella without looking in my eyes.


"Okay lang sa akin."after kong pumayag, umalis na din siya agad. Ako daw ang mag-ayos ng tent namin. Pumayag na ko dahil alam ko na napipilitan lang siyang maging partner ko.


Pumunta na ako kung saang area ang tent namin ni Ella.


"Jan! Tawag ka nina Zac!"sabi ng classmate namin. Iniwan ko muna yung inaayos kong tent at pumunta kina Zac na nasa L room daw.


"Jan, nandito kana pala."umayos ng upo ang mga boys. Sina Yhanna at Mich naman ngiting-ngiti.


"Bakit anong meron?"lumapit sa akin si Zac at pinaupo ako sa isang arm chair.


"Jan mamaya, pupuntahan ka nina Marco at Mich."nagtaka ako. Bakit naman kaya?


"May pupuntahan tayo di ba Nate?"sabi ni Ren. Binigyan lang siya ng death glare ni Nathan.


"Saan naman? At bakit dapat may susundo pa sa akin?"tanong ko. Nakakapagtaka naman kasi.


"Basta 'wag ka na matanong! Bumalik ka na doon!"sabi ni Zac. Aba loko 'to ah! Pinatawag ako tapos papalayasin na din ako. Bwiset.


"Ate! Mag-ayos ka ng sarili mo ha! Baka magmukha kang ewan. Hahaha!"inirapan ko nga ang kapatid ko. Napagtitripan na naman nila ako.


"Wait for me."tumayo si Nathan at sumabay sa akin maglakad.


Kasama kong naglalakad si Nathan. Gusto daw niyang sumama sa akin eh.


*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon